Ang Pag-gamit sa Oras ay Ipagbibigay Sulit sa Dios.

0

 

IMG_0012

Ang babala sa Roma 14:12 ay ganito: “Kaya’t ang bawat isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kanyang sarili.”  Ang ‘bawat isa’  ay tumutukoy sa mga Kristiano at hindi Kristiano. Bagaman ang mga Kristiano ay naligtas sa biyaya at hindi sa mga gawa, ngunit sa langit, ang basihan ng gantimpala ay ang ating ginawa sa lupa. Susuriin ng Dios ang mga gawa ng isang Kristiano sa pamamagitan ng apoy.  Ang sinumang manatili ay gagantimpalaan, at ang hindi, bagamat  isang Kristiano ay malulugi, siya ay maliligtas, ngunit tanging sa pamamagitan ng apoy (ICorinto 3:13-15).  Ipagbibigay sulit natin sa Dios ang pag-gamit ng ating mga oras. Ito ang basihan ng…

continue reading..

Disiplina sa Pagbabasa ng Salita ng Dios

0
IMG_3953

Ilan ba sa atin ang seryosong nagbabasa ng Biblia? Ang sabi ni Hesus,  “Hindi n’yo ba nabasa…?”. Inaasahan ni Hesus na ang Kristiano ay nagbabasa at pamilyar sa Kasulatan, hindi lamang sa kabuoan, kundi sa “bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Ang Kasulatan ay kinasihan ng Dios at  mapapakinabangan sa …pagsasanay sa katuwiran.” ( 2 Tim 3:16). Mapalad ang mga bumabasa  … at tumutupad nito.  (Apoca.4:3). Walang mas mabisang paraan sa pagbabago ng kilos at ugali, at pagiging kawangis ni Kristo,  maliban sa regular na pagbabasa ng Salita ng Dios.

Sinabi ni John Blanchard, bawat araw ay humaharap tayo sa iba’t-ibang pagsubok, tukso at problema . Kaya’t kailangan natin ang…

continue reading..

Disiplina sa Pakikinig ng Salita ng Dios

0
IMG_3861

Hindi magiging masigla ang buhay-Kristiano kung wala ang pagkain ng karne at gatas na buhat sa  salita ng Diyos. Malinaw ang dahilan. Ang Biblia ang nagpapahayag ng tungkol sa Diyos; sa Kanyang Anak na si Hesus at ang Kanyang muling pagkabuhay, kung paano maliligtas sa galit na darating, at kung paano malulugod ang Diyos sa atin. Upang makilala ang Diyos, at maging maka-dios, kailangan ng malalim na pag-kaalam ng Kanyang salita.

Pinakamadaling disiplina upang makatanggap ng salita ng Diyos ay ang pakikinig. Kung walang disiplina dito, maaring hindi na tayo makinig. Una  sa disiplina ng pakikinig ay ang paghanap ng isang Iglesia kung saan ang Biblia ay matapat na ipinapahayag….

continue reading..

Disiplina Tungo sa Kalayaan

0

image

 

Ang disiplina, ayon kay Richard Foster ay  pintuan tungo sa kalayaan.  Tingnan ang mahuhusay na gitarista. Ang kanilang mga daliri ay maliksing nagpapalipat-lipat sa mga kwerdas ng gitara na para bang napakadali lamang tumugtog ng gitara. Sa isang baguhan, alam niya na ang ganitong galing ay  bunga ng maraming taon ng pag-aaral at pag-eensayo.

Ayon kay Elton Trueblood, tayo ay mas malaya kapag tayo ay nakatali. Ang isang atleta na ayaw magpailalim sa araw-araw na pag-eensayo at pag-iwas sa ibang pagkain, ay hindi magiging malaya sa takbuhan. Sa kawalan ng  pagsasanay, wala siyang sapat na bilis at tibay sa pagtakbo. Ang pagkakaroon ng disiplina ay pagkakaroon ng kalayaan sa anumang larangan ng…

continue reading..

Disiplina Tungo sa Kabanalan

0

 

photo 2

Ang disiplinang walang direksyon ay nakakabagot. Si Kevin na nag- nag-eensayo ng pag-gigitara habang ang mga kaibigan niya ay masayang naglalaro ay mababagot sa disiplinang ito. Ngunit kung isama si Kevin ng isang anghel sa concert ng isang sikat na gitarista at sabihin  sa kanya, “Ikaw  ang gitaristang iyan pag dating ng araw, kaya dapat kang mag-ensayo.” Sa puntong ito ay mag-iiba ang pananaw ni Kevin sa kanyang pag-eensayo.  

Ganyan din ang disiplina sa buhay-Kristiano. Sa tingin ng marami, ito ay nakakabagot. Ang pananalangin, pagbubulay ng Salita, pagbabasa ng Biblia at iba pang ispiritwal na tungkulin , minsan ay nagiging paulit-ulit na lamang.

Ano ba tayo pagdating ng panahon?. Sinasabi sa Roma…

continue reading..

Bawa’t Kristiano ay Dapat Maglingkod (3)

0

SAM_0053                

Tinawag ng Dios ang bawat Kristiano sa paglilingkod. May anim na motibasyon sa paglilingkod: (1) Naglilingkod bilang pagsunod sa Dios,  (2)  Nagpapasalamat. (3) May kagalakan. (4) Dahil pinatawad ng Dios. Narito ang ikalima at ika-anim na dahilan ng paglilingkod:

(5) Naglilingkod ng may mababang loob. Ang pag-papakababa ni Hesus ay nahayag sa Juan 13:12-16, nang hugasan Niya ang mga paa ng Kanyang mga disipulo. Ito ay upang bigyan sila ng  halimbawa. Sa tao, madalas na ang motibo sa paglilingkod  ay ang inaasahang kapalit. Ang ganitong paglilingkod ayon kay Richard Foster ay pagkukunwari (hypocrisy) o paglilingkod sa sarili.  Ito ay paglilingkod na nais ng  pansin, papuri o gantimpala. Ayaw ng tao na…

continue reading..

Bawat Kristiano ay Dapat Maglingkod (unang bahagi)

0
DSC_0111

Tinawag ng Dios ang bawat Kristiano sa paglilingkod. Hindi maaring sabihin na walang pwedeng gawin. Ang puso ng bawat Kristiano ay nilinis ng dugo ni Kristo upang “maglingkod sa buhay na Dios” at “Maglingkod ng may kagalakan” (Awit 100:2).  May anim na motibasyon sa paglilingkod:

(1) Naglilingkod dahil ito ay pagsunod sa Dios. Sinabi ni Moses sa Deut 13:4 “Siya  lamang ang inyong sundin. Paglingkuran ninyo Siya at manatili kayong tapat sa Kanya,.”  Ayon kay John Newton: “kung may dalawang angel na inutusan ng Dios, ang isa ay upang maghari sa isang kaharian, at ang isa ay para maghakot ng basura, walang kaibahan sa kanila ang kanilang gawain, dahil ang kinilang kagalakan ay…

continue reading..

Bawat Kristiano ay Dapat Maglingkod (ikalawang bahagi)

0

photo 3
Tinawag ng Dios ang bawat Kristiano sa paglilingkod. May anim na motibasyon sa paglilingkod: Una, naglilingkod dahil ito ay pagsunod sa Dios. Ikalawa. Naglilingkod dahil nagpapasalamat. Narito ang ikatlo at ika-apat na dahilan ng paglilingkod

( 3.) Naglilingkod ng may kagalakan. Sinasabi sa Awit 100:2 “Maglingkod ng may kagalakan”. Sa bulwagan ng hari noong una, ang mga alipin na malungkot ang mukha ay ipinapapatay. Kaya nga’t si Nehemiah ay labis na natakot nang mapuna ni Haring Artaxerxes na siya ay malungkot. (Neh. 2:2)
May malaking problema kung hindi tayo makapag-lingkod sa Dios ng may kagalakan. Ang taong naglilingkod para lamang makarating sa langit ay maaaring mabagot sa kanyang ginagawa,…

continue reading..

Huwag Malinlang ng Huwad na Pag-asa

0
          Ang pag-asa sa puso ng tao ay hindi nauubos ayon kay John Milton.  Mahalaga ang pag-asa. Kung wala ito, magiging napakasaklap ng buhay ng tao. Ngunit ang pag-asa na hindi nakasalig kay Kristo ay magbubulid sa  kapahamakan. Maraming tao ang umaasa  ng mahabang buhay  at magandang bukas –  pag-asang mabuti lamang hanggang sa huling araw ng buhay, dahil ang hahantungan nito ay walang hanggang pagdurusa sa kabilang buhay.
          Ito ang babala si Santiago “ …ni hindi ninyo alam ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas!” (Santiago 4:13-16).  Hindi ba mas mabuti na iwaksi ang  pangarap na mahaba pa ang buhay at isiping maaring maikli lamang ito?  
continue reading..

Disiplina Tungo sa Pagbabago

0

Mahirap baguhin ang isang ugaling nakagawian na. Marami tayong  gawi o ugali  na tayo mismo ang nagpapayabong sa paglipas ng panahon.  Ito’y maganda kung nagdudulot ng kabutihan. Subali’t may mga ugali tayong nakasasama sa atin. Bilang mga Kristiano, alam natin kung ano ang mga gawi natin na nakasasagabal sa paglago sa buhay-kristiano.

 

Ang masasamang kilos at ugali na inugatan na ng panahon ay mahirap baguhin.  Maaring nakikita natin ang masamang epekto nito sa katawan, sa relasyon  at ispiritwal na aspeto ng buhay,  at nagkakaroon tayo  ng masidhing pagnanais ng dagliang pagbabago.  Ito ay mabuti at kanais-nais nguni’t  kalimitan  ay hindi nangyayari.  Ang  pagnanais, gaano man katindi  ay kapos para sa tunay na pagbabago.

 

Sa pagbabago, kailangan ay nagpapatuloy na disiplina  sa…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top