Ang Pag-gamit sa Oras ay Ipagbibigay Sulit sa Dios.
0
Ang babala sa Roma 14:12 ay ganito: “Kaya’t ang bawat isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kanyang sarili.” Ang ‘bawat isa’ ay tumutukoy sa mga Kristiano at hindi Kristiano. Bagaman ang mga Kristiano ay naligtas sa biyaya at hindi sa mga gawa, ngunit sa langit, ang basihan ng gantimpala ay ang ating ginawa sa lupa. Susuriin ng Dios ang mga gawa ng isang Kristiano sa pamamagitan ng apoy. Ang sinumang manatili ay gagantimpalaan, at ang hindi, bagamat isang Kristiano ay malulugi, siya ay maliligtas, ngunit tanging sa pamamagitan ng apoy (ICorinto 3:13-15). Ipagbibigay sulit natin sa Dios ang pag-gamit ng ating mga oras. Ito ang basihan ng ating gantimpala sa langit.
Sa Hebreo 5:12 ay mababasa natin na sinaway ng Dios ang mga Hudyong Kristiano dahil hindi nila ginamit ang kanilang oras upang lumago sa pananampalataya. “ Sapagkat bagaman sa panahong ito’y dapat na kayo’y mga guro na, kailangang muling may magturo sa inyo”
Maging ang mga salitang walang kabuluhan na ating binigkas ay huhusgahan ni Hesus (Matthew 12:36). Kung magbibigay sulit tayo sa bawat talentong ibinigay sa atin, gayon din ang oras na ating pinalampas at sinayang, sapagkat ito rin naman ay galing sa Dios.
Ang dapat tugon sa katotohanang ito ay ang pagsiyasat ng ating pag-gamit ng oras at gugulin ito ayon sa nais nating marinig sa pagbalik ni Kristo. Kung ang ating konsiensya ay nababagabag sa pag-gamit natin ng oras, paano natin masasagot si Kristo sa oras ng paghuhusga?
Iminumungkahi ni Jonathan Edwards na ipamuhay natin ang bawat araw na parang ito na ang katapusan, kung saan tayo ay magbibigay sulit sa Dios kung paano natin ginamit ang ating oras.
Ang pagdedesisyon na gamitin ang oras para lumago sa kabanalan ay hindi dapat ipagpaliban, sapagkat ang bawat oras na nasasayang at ipinagwawalang-bahala ay ipagbibigay sulit natin sa Dios.
Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 130