Disiplina sa Pakikinig ng Salita ng Dios

0
IMG_3861[1]

Hindi magiging masigla ang buhay-Kristiano kung wala ang pagkain ng karne at gatas na buhat sa  salita ng Diyos. Malinaw ang dahilan. Ang Biblia ang nagpapahayag ng tungkol sa Diyos; sa Kanyang Anak na si Hesus at ang Kanyang muling pagkabuhay, kung paano maliligtas sa galit na darating, at kung paano malulugod ang Diyos sa atin. Upang makilala ang Diyos, at maging maka-dios, kailangan ng malalim na pag-kaalam ng Kanyang salita.

Pinakamadaling disiplina upang makatanggap ng salita ng Diyos ay ang pakikinig. Kung walang disiplina dito, maaring hindi na tayo makinig. Una  sa disiplina ng pakikinig ay ang paghanap ng isang Iglesia kung saan ang Biblia ay matapat na ipinapahayag. Sinabi ni Hesus, “Mapalad ang nakikinig ng salita ng Dios at sumusunod dito” (Lukas 11:28). Ang binibigyang diin dito ay hindi ang  pakikinig, kundi ang pagsunod. Ngunit mahalaga na makita na sa pakikinig malalaman ang kalooban ng Dios at saka makakasunod dito.

Ang sabi sa Roma 10:17 “Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Kristo.” Marami ang naligtas dahil sa sariling pagbabasa ng Biblia (pagbabasa bago pa man naligtas), katulad ni Jonathan Edwards. Ang araw-araw din na pagbabasa  ng Biblia ay nagbibigay lakas sa pananampalataya. Kaya ang kaloob na lakas ng pananampalataya ay natatanggap kung may disiplina ng pagbabasa ng salita ng Dios, kasama na dito ang pakikinig ng mga tapes o programa sa radio.

Sa I Timoteo 4:13 ay sinasabi, “Hanggang sa dumating ako, bigyang-pansin mo ang hayagang pagbabasa ng Kasulatan, ang pangangaral at pagtuturo.” Importante sa ministeryo ni Pablo na ang bayan ng Dios ay makinig ng Kanyang salita. Ito ang pinakamahalaga gawain sa ating pagsamba.

Karaniwan, sa isang Iglesia, tuwing Linggo, para bang pumapasok ka sa isang gymnasium bago pa lamang magsimula ang palaro. Naroon ang maiinit na pagkukumustahan at usapan. May mga Korean Christians na gumamit ng aming bahay-sambahan. Sa kanilang pagpasok ay nananalangin sila, bago pa man nila ayusin ang kanilang gamit, o kausapin ang sinuman sa Iglesia. Ito ay tanda na sila ay naroon, una sa lahat, upang makinig ng salita ng Dios. Ayon kay Jeremiah Burroughs, dapat tayong mapuspos ng kaalaman na ang ating pinapakinggan ay Salita ng Dios. “At kami ay patuloy na nagpapasalamat sa Diyos na nang inyong tanggapin ang salita ng Diyos, na inyong narinig sa amin  ay inyong tinanggap iyon hindi bilang salita ng tao kundi… salita ng Diyos na gumagawa naman sa inyona sumasampalataya.” ( Tesalonica 2:13”

Isinalin sa Tagalog mula sa aklat ni  Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado, Navpress   Pp 23-27

 

             

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top