Disiplina Tungo sa Pagbabago
0Mahirap baguhin ang isang ugaling nakagawian na. Marami tayong gawi o ugali na tayo mismo ang nagpapayabong sa paglipas ng panahon. Ito’y maganda kung nagdudulot ng kabutihan. Subali’t may mga ugali tayong nakasasama sa atin. Bilang mga Kristiano, alam natin kung ano ang mga gawi natin na nakasasagabal sa paglago sa buhay-kristiano.
Ang masasamang kilos at ugali na inugatan na ng panahon ay mahirap baguhin. Maaring nakikita natin ang masamang epekto nito sa katawan, sa relasyon at ispiritwal na aspeto ng buhay, at nagkakaroon tayo ng masidhing pagnanais ng dagliang pagbabago. Ito ay mabuti at kanais-nais nguni’t kalimitan ay hindi nangyayari. Ang pagnanais, gaano man katindi ay kapos para sa tunay na pagbabago.
Sa pagbabago, kailangan ay nagpapatuloy na disiplina sa…
continue reading..