31
Jan
Huwag Malinlang ng Huwad na Pag-asa
0 Ang pag-asa sa puso ng tao ay hindi nauubos ayon kay John Milton. Mahalaga ang pag-asa. Kung wala ito, magiging napakasaklap ng buhay ng tao. Ngunit ang pag-asa na hindi nakasalig kay Kristo ay magbubulid sa kapahamakan. Maraming tao ang umaasa ng mahabang buhay at magandang bukas – pag-asang mabuti lamang hanggang sa huling araw ng buhay, dahil ang hahantungan nito ay walang hanggang pagdurusa sa kabilang buhay.
Ito ang babala si Santiago “ …ni hindi ninyo alam ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas!” (Santiago 4:13-16). Hindi ba mas mabuti na iwaksi ang pangarap na mahaba pa ang buhay at isiping maaring maikli lamang ito?
continue reading..