Mahirap baguhin ang isang ugaling nakagawian na. Marami tayong gawi o ugali na tayo mismo ang nagpapayabong sa paglipas ng panahon. Ito’y maganda kung nagdudulot ng kabutihan. Subali’t may mga ugali tayong nakasasama sa atin. Bilang mga Kristiano, alam natin kung ano ang mga gawi natin na nakasasagabal sa paglago sa buhay-kristiano.
Ang masasamang kilos at ugali na inugatan na ng panahon ay mahirap baguhin. Maaring nakikita natin ang masamang epekto nito sa katawan, sa relasyon at ispiritwal na aspeto ng buhay, at nagkakaroon tayo ng masidhing pagnanais ng dagliang pagbabago. Ito ay mabuti at kanais-nais nguni’t kalimitan ay hindi nangyayari. Ang pagnanais, gaano man katindi ay kapos para sa tunay na pagbabago.
Sa pagbabago, kailangan ay nagpapatuloy na disiplina sa…
continue reading..
Kundi ang lupain na inyong patutunguhan upang angkinin ay lupaing maburol at malibis, at umiinom ng tubig ng ulan sa langit, lupaing inaalagaan ng Panginoon mong Diyos. Ang pansin ng Panginoon mong Diyos ay laging naroon mula sa pasimula ng taon hanggang sa katapusan ng taon” (Deutronomio 11:11-12)
Humaharap tayo sa isang bagong taon. Sino ang nakakaalam ng ating masusumpungan,? Anong mga karanasan? Anong pangangailangan? Anong pagbabago? Wala mang kasiguraduhan ang bukas, “ang Diyos ay laging naroon …hanggang sa katapusan ng taon”
Ang Panginoon ang bukal na pinagkukunan natin ng lahat ng ating pangangailangan at ilog na hindi natutuyo. Kung ang Dios ang bukal ng awa, ang Kanyang awa at kalinga sa atin ay hindi rin maiiga. “Isang ilog na…
continue reading..
“Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” 2 Tim 3;16
Kasunod ng panalangin, ang pagbabasa ng Biblia ang pinakamahalagang tungkulin ng isang Kristiano dahil ito ay “ makakapagturo ng kaligtasan.”
Sa pagbabasa nito malalaman natin kung ano ang dapat nating paniwalaan, kung paano mabuhay at mamatay ng may kapayapaan. Mapalad at maligaya ang taong nagbabasa ng Biblia at sinusunod ito. Kung mahalaga sa isang tao ang kanyang hahantungan kapag siya ay namatay, siya ay magbabasa ng Biblia.
Ang Biblia ay natatanging aklat sapagkat ito ay kinasihan ng Dios. Kapag binabasa natin ito, ang Dios mismo ang…
continue reading..
Sa iyong hindi nananalangin, sinasabi ko (J.C. Ryle) sa iyo na ikaw ay nasa delikadong kalagayan. Kung mamatay ka ngayon, walang katapusan ang iyong pagdurusa. Huwag mong sabihin na hindi ka marunong manalangin. Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Dios. Hindi mo kailangang matutunan ito, kailangan mo lamang ay pagnanais na gawin ito gaya ng isang sanggol na umiiyak kapag nagugutom. Kahit saan ay maari kang manalangin. Huwag mong sabihing wala kang oras. Si Daniel ay abala sa kanyang pamumuno sa isang malaking kaharian, subalit nanalangin siya ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mo ring sabihin na hindi ka makapanalangin dahil hindi ka pa naligtas at nanampalataya. Kung…
continue reading..