Babala tungkol sa Pananalangin

0
photo 2

Sa iyong hindi nananalangin, sinasabi ko (J.C. Ryle) sa iyo na ikaw ay nasa delikadong kalagayan. Kung mamatay ka ngayon, walang katapusan ang iyong pagdurusa. Huwag mong sabihin na hindi ka marunong manalangin. Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Dios. Hindi mo kailangang matutunan ito, kailangan mo lamang ay pagnanais na gawin ito gaya ng isang sanggol na umiiyak kapag nagugutom. Kahit saan ay maari kang manalangin. Huwag mong sabihing wala kang oras. Si Daniel ay abala sa kanyang pamumuno sa isang malaking kaharian, subalit nanalangin siya ng tatlong beses sa isang araw. Huwag mo ring sabihin na hindi ka makapanalangin dahil hindi ka pa naligtas at nanampalataya. Kung gayon kailangan kang mas lalong manalangin at humiling ng kaligtasan “Inyong hanapin ang Panginoon habang Siya’y matatagpuan, tumawag ka sa Kanya habang Siya ay malapit.” (Isaias 55:6). Huwag mo itong ipagpaliban. Ang kaligtasan ay malapit sa iyo ngayon. Huwag mong hayaang mawala ang pagkakataon maligtas dahil ayaw mong lumapit sa Dios sa panalangin.

Sa iyong nais na maligtas, subalit hindi alam kung papaano, hihihimok kitang lumapit ngayon kay Hesu-Kristo. Pumaroon ka sa isang tahimik na lugar at magsumamo ka sa panalangin na iligtas ka Niya. Sabihin mo na narinig mo na Si Hesus ay tumatanggap ng makasalanan. Sabihin mo na ikaw ay isang ligaw na makasalanan at lumalapit sa merito ng Kanyang imbitasyon. Sabihin mo na ang iyong kalagayan ay nasa Kanyang kamay lamang, at kung hindi ka Niya iligtas ay wala kang pag-asa. Hilingin mo ang pagsagip sa makasalanang budhi, sa kapangyarihan at bunga ng kasalanan. Humiling ka ng kapatawaran at bagong puso at ibigay Niya ang Ispiritu Santo upang dito manahan. Hilingin mo na gawin ka Niyang tagasunod at tagapaglingkod magpakaylanman. Kung ang mga ito ay totoo sa iyong kalooban, at kung mahalaga sa iyo ang kalagayan ng iyong kaluluwa, ay gawin mo ang paghimok na nabanggit. Tandaan mo na nais ni Hesus na maligtas ka. Huwag mong isipin na hindi ka karapat-dapat, sapagkat kung mas malala ang sakit, mas lalong kailangan ng manggagamot. “Hindi Ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang makasalanan tungo sa pagsisisi.” (Lukas 5:32).

At kung hindi ka agad makatanggap ng kasagutan, huwag kang mawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka sa pananalangin. Kung nais mong maligtas, tutugon ang Dios at maliligtas ka.

Walking with God by J.C. Ryle. Grace Publication Trust. Pp 38-39 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top