Ang Kahalagahan ng Oras

0
SAM_0573

Mas nararamdaman ang halaga ng pera kung wala ka nito. Gayun din, higit na nagiging mahalaga ang oras sa oras ng kamatayan. Nang malapit nang mamatay si Voltaire ay kanyang sinabi, “Ibibigay ko ang kalahati ng lahat ng nasa akin, para sa 6 na buwang buhay.” Ang mga huling salita naman ni Thomas Hobbes ay ito: “O ang halaga ng buong mundo katumbas ng kahit isang araw na buhay.” Sa mga ganitong tagpo, mabuting matutunan ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Dios, upang maging payapa sa oras ng kamatayan.

Napakasaklap ng panghihinayang sa mga huling oras ng ating buhay. “At Ikaw ay mananangis sa katapusan ng iyong buhay … at iyong…

continue reading..

Ang Pag-gamit sa Oras ay Ipagbibigay Sulit sa Dios.

0

 

IMG_0012

Ang babala sa Roma 14:12 ay ganito: “Kaya’t ang bawat isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kanyang sarili.”  Ang ‘bawat isa’  ay tumutukoy sa mga Kristiano at hindi Kristiano. Bagaman ang mga Kristiano ay naligtas sa biyaya at hindi sa mga gawa, ngunit sa langit, ang basihan ng gantimpala ay ang ating ginawa sa lupa. Susuriin ng Dios ang mga gawa ng isang Kristiano sa pamamagitan ng apoy.  Ang sinumang manatili ay gagantimpalaan, at ang hindi, bagamat  isang Kristiano ay malulugi, siya ay maliligtas, ngunit tanging sa pamamagitan ng apoy (ICorinto 3:13-15).  Ipagbibigay sulit natin sa Dios ang pag-gamit ng ating mga oras. Ito ang basihan ng…

continue reading..

Kahalagahan ng Oras Para sa Disiplina ng Kabanalan

0

SAM_0081

 

Ayon sa Biblia, ang  disiplina sa pag-gamit ng oras ay kailangan para sa kabanalan. Upang maging kawangis ni Kristo, dapat nating tularan ang Kanyang pagpaplano ng oras upang magampanan ang gawaing ibinigay ng Ama. “Niluwalhati Kita sa lupa, sa pagtatapos ko ng gawaing ibinigay Mo sa Akin.”  (Juan 17:4). Bagamat mabigat ang Kanyang gawain, nagbibigay siya ng malaking puwang sa panalangin.

Bawat tao, Katulad ng Panginoong Hesus, ay binigyan din ng gawain, gamit ang oras na kaloob sa atin. Dapat maging matalino sa pag-gamit ng ating oras dahil ang panahon ay masama at marami ang nagnanakaw ng oras upang ilayo sa Dios. Nariyan ang teknolohiya, pakikipaglaban sa mga isyu ng…

continue reading..

A Poem for the Elderly

0

The  poem below (recited by TBC children during Elderly Sunday, April 13, 2014 ) shows  the notable characteristics of getting old.  But it also shows that  God’s faithfulness will sustain us in our old age.

SAM_0449

 

Kahit Ako’y Matanda Na

Maputing buhok   (PHOEBE) 

Tanda ng Katapatan ng Dios

Masayang Buhay

Dios ang Pumapatnubay

 

Mahina man ang  tuhod  (LEN LEN)

Masakit ang balakang at likod

Aakayin ng Dios sa aking katandaan

Hindi Niya ako pababayaan

 

Malabo ang Mata  (Aaron) 

Minsan ay hindi makakita

Ngunit Liwanag ng Kalangitan

Kay Hesus  malinaw kong namamasdan

 

Mahina na rin ang pandinig (TJ)   

Minsan Hindi kita marinig

Ngunit Naririnig ko ang Tinig

Ng Dios na sa akin ay umibig

 

Makakalimutin, totoo ka man din (MJ)  

Ngunit hinding hindi makakalimutan

Akong makasalanan,

Iniligtas, kinaawaan

 

Ang Dios ay pupurihin at paglilingkuran

Kahit…

continue reading..

Pagtatago sa Puso ng Salita ng Dios.

0

          

 SAM_0433

Marami ang nagsasabi na hindi sila makapag-saulo ng Bible verses dahil sa “bad memory”. Pero hindi ito totoo. Ang problema ay hindi mahinang memorya, kundi kulang sa motibasyon. Kung natatandaan natin ang ating birthday, address o cellphone number, ay gayon din ang mga Bible verses.  Ang tanong ay kung gusto ba natin, at kung may disiplina ba tayo para dito.

Nang si Dawson Trotman, founder ng Navigators, ay naging Kristiano, nag-umpisa siyang mag-memorize ng isang Bible verse kada araw. Bilang isang truck driver, nag-sasaulo siya habang nagmamaneho. Sa loob ng unang tatlong taon ng kanyang pagiging Kristiano, nakapagsaulo siya ng 1,000 verses. Kung nakapag-saulo si  Dawson habang nagmamaneho, makahanap din tayo…

continue reading..

Ang Krus at ang Kaluluwa ng Tao

0

 

IMG_4046

“Sapagkat ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kanyang buhay?”

                                                                                    Mark 8:3

Ipinahayag ng krus na ang kaluluwa ng tao ay lubhang mahalaga. Sinabi ng Panginoon, “Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay?”  Nangungusap ang krus tungkol sa kasalanan ng tao. Ang ating Panginoon ay nabayubay sa Krus upang iligtas ang ating mga kaluluwa. Hindi kayang isipin na mismong Anak ng Dios ang kailangang magligtas sa ating kaluluwa. Ganito kahalaga ang ating kaluluwa. Kaya hindi natin dapat ipag-walang bahala ang ating mga kaluluwa, kundi dapat na bigyan ng malaking pansin sa ating buhay.

Mahalaga ang katawan.  Hindi isinasaad sa…

continue reading..

Pag-tatago sa Puso ng Salita ng Dios

0

DSC_0053

          Mahirap ang magsa-ulo ng Salita ng Dios. Inihahalintulad ito sa pagsasaulo ng mga leksyon sa klase na bukod sa mahirap ay nakakabagot. Ang dahilan naman ng marami ay mahina ang kanilang memorya. Pero kung bayaran ang taong mahina ang memorya ng isang  libong dolyar sa bawa’t Bible verse na masaulo sa loob ng 7 araw, tiyak na biglang tatalas ang kanyang memorya. Ngunit ang Salita ng Dios ay kayamanan na walang maitutumbas na halaga.

        Ang Salita ng Dios ay mabisang sandata  sa kaaway ng kaluluwa. Kung  memoryado natin ito, madali itong magagamit ng Banal na Ispiritu sa panahon ng tukso at pagsubok (Awit…

continue reading..

Disiplina sa Pag-aaral ng Salita ng Dios

0

 

IMG_3913

Kung ang pagbabasa ng Biblia ay pamamangka sa isang lawa, ang pag-aaral  naman ng Biblia ay pagsalamin sa ilalim ng lawa, (katulad ng  snorkeling).   Sa masusing pag-aaral ng Salita ng Dios, makikita  ang linaw at mga detalye na hindi natin mapapansin sa simpleng pagbabasa lamang.

“Inilagak ni Ezra ang kaniyang puso upang saliksikin ang kautusan ng Panginoon, upang sundin ito at ituro sa Israel ang Kanyang mga batas at tuntunin (Ezra 7:10). Malinaw na bago pa man ituro ni Ezra ang Salita ng Dios, inilagak niya  ang sarili  sa pag-aaral nito. Nangangahulugan ito ng disiplina.

Ang mga taga Berea ay “higit na marangal kaysa mga taga-Tesalonica sapagkat tinanggap nila ang Salita ng…

continue reading..

Disiplina sa Pagbabasa ng Salita ng Dios

0
IMG_3953

Ilan ba sa atin ang seryosong nagbabasa ng Biblia? Ang sabi ni Hesus,  “Hindi n’yo ba nabasa…?”. Inaasahan ni Hesus na ang Kristiano ay nagbabasa at pamilyar sa Kasulatan, hindi lamang sa kabuoan, kundi sa “bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Ang Kasulatan ay kinasihan ng Dios at  mapapakinabangan sa …pagsasanay sa katuwiran.” ( 2 Tim 3:16). Mapalad ang mga bumabasa  … at tumutupad nito.  (Apoca.4:3). Walang mas mabisang paraan sa pagbabago ng kilos at ugali, at pagiging kawangis ni Kristo,  maliban sa regular na pagbabasa ng Salita ng Dios.

Sinabi ni John Blanchard, bawat araw ay humaharap tayo sa iba’t-ibang pagsubok, tukso at problema . Kaya’t kailangan natin ang…

continue reading..

Disiplina sa Pakikinig ng Salita ng Dios

0
IMG_3861

Hindi magiging masigla ang buhay-Kristiano kung wala ang pagkain ng karne at gatas na buhat sa  salita ng Diyos. Malinaw ang dahilan. Ang Biblia ang nagpapahayag ng tungkol sa Diyos; sa Kanyang Anak na si Hesus at ang Kanyang muling pagkabuhay, kung paano maliligtas sa galit na darating, at kung paano malulugod ang Diyos sa atin. Upang makilala ang Diyos, at maging maka-dios, kailangan ng malalim na pag-kaalam ng Kanyang salita.

Pinakamadaling disiplina upang makatanggap ng salita ng Diyos ay ang pakikinig. Kung walang disiplina dito, maaring hindi na tayo makinig. Una  sa disiplina ng pakikinig ay ang paghanap ng isang Iglesia kung saan ang Biblia ay matapat na ipinapahayag….

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top