Disiplina sa Pag-aaral ng Salita ng Dios

0

 

IMG_3913

Kung ang pagbabasa ng Biblia ay pamamangka sa isang lawa, ang pag-aaral  naman ng Biblia ay pagsalamin sa ilalim ng lawa, (katulad ng  snorkeling).   Sa masusing pag-aaral ng Salita ng Dios, makikita  ang linaw at mga detalye na hindi natin mapapansin sa simpleng pagbabasa lamang.

“Inilagak ni Ezra ang kaniyang puso upang saliksikin ang kautusan ng Panginoon, upang sundin ito at ituro sa Israel ang Kanyang mga batas at tuntunin (Ezra 7:10). Malinaw na bago pa man ituro ni Ezra ang Salita ng Dios, inilagak niya  ang sarili  sa pag-aaral nito. Nangangahulugan ito ng disiplina.

Ang mga taga Berea ay “higit na marangal kaysa mga taga-Tesalonica sapagkat tinanggap nila ang Salita ng buong pananabik, na sinisiyasat araw-araw ang mga Kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito.” (Mga Gawa 7:10). At dahil dito “marami sa kanila ang nanampalataya…” (Mga Gawa 7:11). Isang marangal na katangian ang pagsasaliksik sa Kasulatan.

Si Pablo, nang siya ay nakabilanggo at isinusulat ang kanyang huling liham ay ipinagbilin kay Timoteo  “ang balabal … at ang mga aklat, lalung-lalo na ang pergamino.”(2 Tim 4:13). Sa malamig na piitan, ang ninais ni Pablo ay ang balabal para uminit ang kanyang katawan at ang Salita ng Dios, upang painitin ang kanyang puso at isipan. Naaninag na ni Pablo ang Kalangitan (2 Cor 12:1-6).  Nakausap niya si Jesus na umakyat na sa langit (Mga Gawa 9:5),  Ginamit siya ng Banal na Ispiritu  na gumawa ng mirakulo (Gawa 14:10) at isa siya sa mga sumulat ng Banal na Kasulatan (2 Pedro 3:16), subalit nagpapatuloy siya sa pag-aaral hanggang sa huling araw ng kanyang buhay. Kung kailangan ni Pablo ng pag-aaral, mas lalo pa tayo na kapos, kung ikukumpara sa kanya.

Ayon kay R.C. Sproul, marami ang ayaw pag-aralan ang Salita ng Dios, hindi dahil sa hindi ito maunawaan o nakakabagot, kundi dahil ang pag-aaral ng Biblia ay isang trabaho. Ang problema ay hindi dahil wala tayong talino o pagkagusto,  kundi dahil sa tayo ay tinatamad.

Ang kaibahan ng pagbabasa at pag-aaral ay papel at lapis lamang. Sa pag-aaral, ating isinusulat ang ating mga obserbasyon,  tanong at iniisip hinggil sa teksto.  Maraming mga aklat ang makatutulong sa atin dito. Huwag tayong makontento sa mga natunghayan na ng iba. Magkaroon sana tayo ng galak na  makita  natin ng personal ang pahayag ng Dios sa atin mismong pag-aaral ng Biblia. Tiyak na ginto at perlas ay ating makakamtan.

 

Isinalin sa Tagalog  hango  sa aklat ni Whithey, Donald S. 1995. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado. Navpress. Pp 31-33

 

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top