Pagtatago sa Puso ng Salita ng Dios.

0

          

 SAM_0433

Marami ang nagsasabi na hindi sila makapag-saulo ng Bible verses dahil sa “bad memory”. Pero hindi ito totoo. Ang problema ay hindi mahinang memorya, kundi kulang sa motibasyon. Kung natatandaan natin ang ating birthday, address o cellphone number, ay gayon din ang mga Bible verses.  Ang tanong ay kung gusto ba natin, at kung may disiplina ba tayo para dito.

Nang si Dawson Trotman, founder ng Navigators, ay naging Kristiano, nag-umpisa siyang mag-memorize ng isang Bible verse kada araw. Bilang isang truck driver, nag-sasaulo siya habang nagmamaneho. Sa loob ng unang tatlong taon ng kanyang pagiging Kristiano, nakapagsaulo siya ng 1,000 verses. Kung nakapag-saulo si  Dawson habang nagmamaneho, makahanap din tayo ng paraan para dito. Narito ang mga hakbang para sa epektibong pag-sasaulo.

(1) Magkaroon ng plano. Mas magandang mag-memorize ng mga verses na may tuwirang aplikasyon sa ating buhay. Kung may problema sa pananampalataya, mag-memorize  ng verses tungkol dito. Kung ang problema ay “pride”, ang unahing sauluhin ay sampung verses tungkol sa “pride”.

(2) Mas mabuting isulat ito sa isang index card o notebook. (3) Makakatulong ding mag-isip ng larawan na magpapa-alala nito. Halimbawa ang Psalm 119:11 ay ma-aalala sa larawan ng puso na may Biblia sa loob.  Ang Efeso 6:17 naman ay larawan ng isang helmet at sibat.  (4) Sauluhin ng tumpak ang bawat salita. Huwag ibaba ang pamantayan (standard)  ng pagsasaulo. Mas madali ang mag-review kung ito ay naaayon sa pagkakasulat sa Biblia. (5). Upang maiwasan na maging tamad sa pag-sasaulo, mabuting may kasamahan o kaibigan na kasamang  mag-repaso (review) ng mga verses na sinaulo. Ito ay ginawa din ni Dawson Trotman. (6) Repasuhin (review) at pagbulay-bulayan ang mga verses na nasaulo. Kung kulang sa pag-repaso, madali ring makakalimutan ito. Ang totoo, 80% ng pagsasaulo ay ang pag-rereview. Ang kabisadong mga verses ay maaring kada isang linggo na lamang ang pag-review.  Magandang oras ng pag-review ng verses ay sa oras ng pag-tulog kung saan inaalala ang mga nasaulong mga Bible verses. Subalit tandaan na ang nais natin ay hindi makarami ng nasaulong verses, kundi ang lumago sa kabanalan.

Sinabi ni Dallas Williard na bilang pastor, guro at counselor, nakita niya ang naitutulong ng pagsasaulo ng Bible verses sa pagbabago ng isang tao. Ito rin ang ating mithiin sa ating pagsasaulo ng Salita ng Dios.

 

Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 40-43

 

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top