Kahalagahan ng Oras Para sa Disiplina ng Kabanalan
0
Ayon sa Biblia, ang disiplina sa pag-gamit ng oras ay kailangan para sa kabanalan. Upang maging kawangis ni Kristo, dapat nating tularan ang Kanyang pagpaplano ng oras upang magampanan ang gawaing ibinigay ng Ama. “Niluwalhati Kita sa lupa, sa pagtatapos ko ng gawaing ibinigay Mo sa Akin.” (Juan 17:4). Bagamat mabigat ang Kanyang gawain, nagbibigay siya ng malaking puwang sa panalangin.
Bawat tao, Katulad ng Panginoong Hesus, ay binigyan din ng gawain, gamit ang oras na kaloob sa atin. Dapat maging matalino sa pag-gamit ng ating oras dahil ang panahon ay masama at marami ang nagnanakaw ng oras upang ilayo sa Dios. Nariyan ang teknolohiya, pakikipaglaban sa mga isyu ng lipunan, simpleng kwentuhan, pag-iisip ng walang kabuluhang bagay, atbp. Isama pa natin dito ang pag-kagusto ng tao sa mga bagay sa mundo, hindi ng mga bagay na tungkol sa Dios.
Ang ating kaisipan ay dapat ituon sa mga bagay na makalangit “Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa itaas hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa” (Col 3:2). Kung hindi, ang ating mga kaluluwa ay parang tubig na aagos sa kawalan. Kung wala ang tahasang motibo upang mapalapit sa Dios, madali tayong madala ng katawan sa mga bagay na nagpapasaya sa laman, hindi sa paglilingkod sa Dios. Disiplina ang kailangan sa paglakad sa mundo.
Ang ating panahon ay masama dahil aktibo ang kaaway sa pagtukso at pagpapasama nito. Kung hindi tayo maingat sa pag-gamit ng bawat oras na bumubuo sa mga araw, ang ating mga araw ay natural na magiging masama. Sa isang Kristiano, hindi siya uusad sa paglago sa kabanalan. Sa mga hindi Kristiano, patuloy silang lalayo sa tunay na Dios, habang patuloy ang pagsisilbi sa panginoon ng sanlibutan na magdadala sa kanila sa impiyerno. Siguraduhin natin na ang ginagawa natin sa bawa’t oras ay may ispiritwal na pakinabang.
Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 127-128