Ang salitang “biyaya” ayon kay Pablo ay kabutihan na ibinibigay sa taong hindi nararapat na tumanggap nito. Gaya na ang “awa” ay kabutihan na ibinibigay sa taong nahihirapan, ang “biyaya” ay ibinibigay sa taong walang kakayahan at hindi karapat-dapat.
Ayon sa Bagong Tipan, ang “biyaya” ay ang walang hanggan at ganap na pabor ng ipinakita ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang espiritwal at walang-hanggang pagpapala sa isang makasalanan; sa taong hindi nagpakita ni katiting na kabutihan.
Ang biyaya ay hindi nakadepende sa tao. Ito ay nakadepende lamang sa kalooban ng Diyos. Hindi ito makakamit sa… continue reading..
IThe messenger woke up earlier than usual. He ate a big meal,
dressed up, and tucked his Bible in his old, black bag. He was ready to relay the
Word to God’s people and anticipated a fruitful day of worship.
After an hour of travel, he entered the worship hall on time
and greeted a few church members silently waiting for the Sunday school class
to begin. When he began to teach, a lot of seats remain unoccupied.
This is a common observation in many Christian churches. It is sad that attending Sunday school or Bible class has become an option for many. Of course, there are legitimate excuses for being late, but… continue reading..
Tayo ay tinawag ng Dios na lumakad sa makipot na daan. Sa paglakad na ito, hindi sapat na alam natin ang katotohanan. Mahalaga na alam natin kung paano lumakad ng may karunungan upang huwag manatili sa daan na ito. Ganito ang bilin ni Pablo, “Kaya’t mag-ingat kayo sa inyong paglakad, hindi gaya ng mga mangmang kundi gaya ng marurunong na sinasamantala ang panahon sapagkat ang mga araw ay masasama.” (Efeso 5:15-16).
Ang kainos ay mga pagkakataon sa ating buhay. Kahalintulad ito sa pintuang bumubukas sa sandaling panahon, na agad nagsasara at hindi na magbubukas pa. Kagaya ng isang ama o ina na may mga anak, ang oportunidad na makasama at maibahagi ang makadios… continue reading..
BMahal
ko ang Iglesia dahil sumasalamin ito sa kalangitan. Bagamat maganda ang nilikha
ng Dios, wala nang mas gaganda pa sa Iglesia ng Dios. Ito ay kalangitan na nasa
lupa, kung saan ang Dios ay itinatanghal at sinasamba; at kung saan ang
katuwiran ay naghahari. Wala nang mas lalapit pa sa kalangitan kaysa sa
Iglesia.
Mahal
ko ang Iglesia dahil dito nagsasama-sama ang lahat ng tunay na nagmamahal at
sumasamba sa Dios. Kay laking katuwaan
at pribelihiyo na maging kaisa sa pagtitipon ng mga tunay na sumasamba kay
Kristo, at ginagawa ang pinakamahalagang katungkulan ng tao sa Dios.
Mahal ko ang Iglesia dahil ito ang lugar ng
tunay na pagsamba. Ito ang lugar kung saan ang buhay ng bawat isa… continue reading..
“Maghanda ka sa kinaumagahan , at umakyat ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka sa atin doon sa tuktok ng bundok.” (Exodus 34:2)
Sa muling pagharap sa panibagong taon, mabuting makasanayan
na simulan natin ang bawat araw sa pakikipag-ugnayan sa Dios sa pamamagitan ng
pagbubulay ng Kanyang salita at pananalangin. Ang oras na ito ang
pinakamahalaga sa bawat araw. Kung gawin natin ito, magkakaroon tayo ng
kahandaan na harapin ang pangkaraniwan o mahirap na responsibilidad sa bawat
araw. Huwag nating isipin na kaya nating magtagumpay sa sarili lamang nating
lakas. Kailangan natin ang gabay at patnubay ng Panginoon. Ito ay sasaatin kung
dudulog tayo sa Kanya tuwing umaga.
“Kung magbunga ay mabuti, kung hindi ay saka putulin.” (Lucas 13:8-9).
Ang puno ng igos sa Lukas 13 ay hindi
nagbubunga sa loob ng tatlong taon. Nais na itong putulin ng may-ari. Subalit
hiling ng hardinero na pabayaan muna sa taong ito, hanggang sa kanyang mahukayan
sa palibot, at malagyan ng pataba. “At
kung ito ay magbunga sa susunod na taon ay mabuti; subalit kung hindi, maaari
mo na itong putulin.” (Lucas 13:8-9).
Dapat na magtiyaga ang hardinero na bungkalin at lagyan ng pataba ang igos. Kung ito ay magbunga, magkakaroon ng kagalakan ang may-ari at ang hardinero, sapagkat ang kanilang hinahangad ay nangyari na. Ang… continue reading..
Ang talinghaga ng nawawalang tupa ay nagpapakita ng malalang kondisyon ng isang makasalanan bago siya nasumpungan ng Pastol. Una, ang tupa ang may kasalanan kung bakit siya ay nawawala. Maaaring ang tupa ay naging abala sa pagkain ng damo kaya nawaglit ang tingin niya sa pastol. Ang sisi ay nasa tupa lamang, hindi sa iba, at lalong hindi sa pastol na hangad lamang ay ang kapakanan ng tupa. Gayon din, ang tao ay makasalanan dahil siya mismo ang lumayo sa Diyos. Naging abala siya sa mga bagay sa mundo at kung paano siya uunlad. Isinasantabi niya ang relasyon sa Diyos, gayong ito ang pinakamahalaga.
Ang pagkakaroon ng kahinahunan ay hindi gaanong ipinapanalangin kumpara sa ibang tila mahahalagang katangian katulad ng pagmamahal at kagalakan. Ang kahinahunan ay ang pagiging sensitibo sa pakiramdam ng iba at may pag-iingat na hindi masaklawan ang kanilang karapatan. Gaya ng maingat na paghawak ng isang mamahaling kristal, iniingatan din ng taong may kahinahunan ang kalooban ng iba.
Ang pagiging mahinahon ay nakikita sa banayad na pagpapahayag ng opinyon, at sensitibo naman sa opinyon ng iba. Ngunit may kahandaan din na tumutol kung hindi ito ayon sa Salita ng Dios. Ang taong mahinahon ay nagtutuwid sa kamalian ng hindi nakakasakit ng damdamim, at isinasaalang-alang lagi ang kapakanan ng iba. Hindi…
“para sa ikapupuri ng kanyang malualhating biyaya na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Minamahal.” Efeso 1:6
Ang salitang “tinanggap” ay mula sa salitang Griego na may kahulugan na malaking kagalakan. Isang kamangha-manghang katotohanan, na tayong mga makasalanan at uod lamang sa harapan, ng Diyos ay inaring-ganap ng may lubos na kagalakan. Ngunit ito ay para lamang sa mga Kristiano na “tinanggap pamamagitan ng Minamahal”, walang iba kundi si Kristo.
Maraming Kristiano ang nag-iisip na kapag ang kanilang espiritu ay masigla, at matibay ang kanilang pag-asa, ay nalulugod sa kanila ang Diyos. Kung ang kanilang kaluluwa ay nasubsob sa kasalanan at kahinaan, sila ay natatakot na hindi na…
Marami ang nagtatanong: “Bakit itatapon ng Dios ang tao sa impiyerno, gayong siya ay Dios ng pag-ibig?
Sinasabi ng Biblia na ang kasalanan ang naghiwalay sa atin sa Dios, Siya na daluyan ng lahat ng katuwaan at pagmamahal, karunungan at lahat ng mabubuting bagay. Kung wala ang presensya ng Dios sa atin, ito ay isa nang impiyerno. Ang taong wala kay Kristo ay wala ring kakayahan na magbigay at tumanggap ng pag-ibig at katuwaan.
Ang impiyerno ay apoy sa Biblia dahil ito ay tumutupok. Sa lupa makikita natin ang pagtupok sa kaluluwa dahil sa kanyang pagiging makasarili. Dito nag-uugat ang inggit, kapaitan, kalungkutan, likong kaisipan at iba pang kasamaan. Dahil hindi namamatay ang…