Mahal Ko Ang Iglesia
0BMahal ko ang Iglesia dahil sumasalamin ito sa kalangitan. Bagamat maganda ang nilikha ng Dios, wala nang mas gaganda pa sa Iglesia ng Dios. Ito ay kalangitan na nasa lupa, kung saan ang Dios ay itinatanghal at sinasamba; at kung saan ang katuwiran ay naghahari. Wala nang mas lalapit pa sa kalangitan kaysa sa Iglesia.
Mahal ko ang Iglesia dahil dito nagsasama-sama ang lahat ng tunay na nagmamahal at sumasamba sa Dios. Kay laking katuwaan at pribelihiyo na maging kaisa sa pagtitipon ng mga tunay na sumasamba kay Kristo, at ginagawa ang pinakamahalagang katungkulan ng tao sa Dios.
Mahal ko ang Iglesia dahil ito ang lugar ng tunay na pagsamba. Ito ang lugar kung saan ang buhay ng bawat isa ay may kabuluhan at may implikasyon na pangwalang-hanggan. Ang pagkakaibigan ng bawat mananampalataya sa Iglesia ay hanggang kabilang-buhay.
Mahal ko ang Iglesia dahil ito ang bukal ng katotohanan. Ang pinakamahalaga sa mundo ay ang katotohanan dahil ito lamang ang makakapagligtas, ang nagpapabanal at nagbibigay aliw sa gitna ng kaguluhan at kadiliman.
Mahal ko ang Iglesia dahil ito ang lugar kong saan lahat tayo ay lalago katulad sa imahen ni Kristo. At habang tayo ay lumalago ng sama-sama, mas dumadagdag ang katuwaan at mas nababawasan ang pag-tatalo-talo sa loob ng Iglesia. Kumikilos tayo kagaya ni Kristo.
Mahal ko ang Iglesia dahil dumadaloy ang magandang balita na mabibigay liwanag sa lahat ng sulok ng mundo at maglalapit sa makasanalan sa Dios.
Mula sa Blessings of Life in the Church. John Macarthur. Grace to You. gty.org