Ang Biyaya ng Diyos
0Ang salitang “biyaya” ayon kay Pablo ay kabutihan na ibinibigay sa taong hindi nararapat na tumanggap nito. Gaya na ang “awa” ay kabutihan na ibinibigay sa taong nahihirapan, ang “biyaya” ay ibinibigay sa taong walang kakayahan at hindi karapat-dapat.
Ayon sa Bagong Tipan, ang “biyaya” ay ang walang hanggan at ganap na pabor ng ipinakita ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang espiritwal at walang-hanggang pagpapala sa isang makasalanan; sa taong hindi nagpakita ni katiting na kabutihan.
Ang biyaya ay hindi nakadepende sa tao. Ito ay nakadepende lamang sa kalooban ng Diyos. Hindi ito makakamit sa pamamagitan ng gawa. At kung ito ay matanggap, hindi ito mawawala kung magkasala man, dahil biyaya rin ang magtutuwid sa atin. Ang biyaya ay hindi naaapektuhan ng gawa ng tao. Kaya walang makahahadlang sa pag-gagawad nito. “…Inibig kita ng walang hanggang pag-ibig, kaya’t ipinagpatuloy ko ang kagandahang-loob sa iyo.” (Jeremias 31:3).
Isang panlilinlang at isang malaking insulto sa soberano at makapangyarihang Diyos kung isipin na kailangan ng Diyos ang dagdag na gawa ng mahina at marupok na tao upang makumpleto ang biyaya NIya sa atin. Ang biyaya ay ganap, walang bayad, at hindi nangangailangan ng ambag ng tao. Kung may dagdag ang tao, hindi ito matatawag ng biyaya. Ang biyaya lamang ang basehan ng ating kaligtasan.
Kung tayo ay nakatanggap ng biyaya, ang ibig sabihin ay hindi tayo karapat-dapat na tumanggap nito. Pakalimiin natin ang biyaya ng ating kaligtasan at ang biyayang ating tinatanggap sa bawat araw. Magsikap pa tayo na mas mahalin at paglingkuran ang Diyos na nagbibigay ng walang-hanggang biyaya.
Mula sa By God’s Grace Alone. Abraham Booth