Si Kristo ang Pundasyon ng Iglesia

0

IMG_4134
Ang mundo at lahat ng narito ay pag-aari ng Diyos. Subalit ang Iglesia ay piling kalipunan ng mga tao na may magandang relasyon sa Diyos dahil sa pagliligtas ni Kristo. Ang Iglesia ay templo na ang nagtayo ay si Kristo (Zacarias 6:11-13). Ang saligan ay Batong subok, matatag, at hindi igugupo ng panahon (Isaias 28:16). Ang Batong ito ay mataas at hindi kapantay ng mundo. Ang Iglesia ay mahalaga sapagkat sa kanya nasasalamin ang imahen ng Panginoong Hesu-Kristo.

Sa pagkilos ng Banal na Ispiritu, at sa pagpapahayag ng Salita, si Kristo ay nagdadagdag ng mga batong buhay na sangkap ng templong ispirituwal (I Pedro 2:5). Kaaliwan na malaman na si Kristo,…

continue reading..

Ang Dakilang Sedro

0

 IMG_3064

“Ang ginagawa ko’y hindi mo pa nauunawaan ngayon, ngunit malalaman mo pagkatapos nito.” (Juan 13:7)

Kalimitan, kapos ang ating paningin sa plano ng Diyos sa ating buhay. Ngunit sa kalangitan, magkakaroon tayo ng kumpletong pananaw, na ang lahat ay magkakaugnay para sa isang mabiyayang kabuoan.

Ang Sedro ang pinakamagandang puno sa kagubatan ng Lebanon. Ang mga ibon ay maligayang nagpupugad sa mayabong na sanga, at ang mga pastol ay maginhawang nagpapahinga sa malamig na lilim nito.

Nguni’t isang araw, ito ay ibinuwal ng palakol at narinig sa kagubatan ang alingawngaw ng pagbagsak nito. Tinanggal ang mayabong na sanga at ang dahon ay kumalat sa kapatagan ng lupa. Ito ay hinilang palayo, naglayag…

continue reading..

Aral Mula sa mga Ulap

0

 

 DSC_0067

Ang mga ulap sa langit ay napakagandang pagmasdan. Para silang bulak na nagpapalutang-lutang sa langit. Maganda pa rin ang langit kung puro bughaw ito, subalit wala nang gaganda pa kung may mga ulap na naglalayag sa kataasan ng langit. Nakakatulong din ito ng malaki. Dala-dala ng ulap ang ulan na siyang dumidilig sa kalupaan. Ito ang nagbibigay ng buhay at sigla sa mga halaman, hayop at tao. Ang mundo ay magiging isang tigang na lupa kung wala ang mga ulap. Nagbibigay din ito ng ginhawa mula sa matinding init ng araw.

Datapwa’t minsan, ang ulap ay nagiging maitim at nagbabadya ng pagdating ng masamang panahon. Ngunit, kung titingnan ang ulap, hindi…

continue reading..

Dagliang Pagsunod

0
baptism of Shiela

Ang dagliang pagsunod, ang isa lamang uri ng pagsunod. Ang naantalang pagsunod ay hindi pagsunod kundi pagsuway (Delayed obedience is disobedience). Sa bawat oras na tinatawag tayo ng Diyos na gawin ang isang bagay, Siya ay nakikipagkasundo sa atin. Ang ating tungkulin ay sumunod, at ang Kanyang bahagi ay ang magpadala ng natatanging pagpapala kalakip ng ating dagliang pagsunod.

Ang tanging daan sa pagsunod ay ang sumunod ng walang pag-aatubili, gaya ng pagsunod ni Abraham. “Nang araw ring iyon, ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham si Ismael at lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan, maging aliping ipinanganak doon o binili man.” (Genesis 17:23)

Maraming beses na na-aantala ang…

continue reading..

Ang Sekreto ng Kontentong Puso

0

 

Kapag dumating ang tukso at pagsubok, may dalawang reaksyon ang tao.  Ang  taong nasa laman ay lubhang nababalisa, natatakot o nagrereklamo dahil nawala siya sa komportableng kalagayan. Ngunit ganito ang nasa isip ng taong puspos ng biyaya: “Ano ang pakay ng Dios sa mahirap na kalagayang ito?  Nabago ang aking sitwasyon, ngunit   gagawin ko ng buong husay ang  responsibilidad na kaakibat ng sitwasyong ito sa buhay ko ngayon.”

Maraming tao ang hindi makontento kapag naghihirap sila sa kasalukuyan kundi laging tumitingin sa kahapon, (Mas mabuti pa ang buhay  namin noon.), sa hinaharap (Sana matapos na sa pag-aaral ang mga anak ko.) o sa paligid (Mabuti pa si kapatid, wala nang pinapaaral.).

Dapat tayong mag-pailalalim…

continue reading..

Walang Anuman sa Langit ang Mumurahin

0

 

IMG_2886    

“At nakita namin doon ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anak, na mula sa mga Nefilim; at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga tipaklong at gayundin kami sa kanilang paningin.” (Mga Bilang 13:33)

Sa labindalawang espiya na isinugo ni Moises upang magsiyasat sa lupain ng Canaan, sampu ang nagsabi na ang mga nakatira doon ay higante at hindi kayang magapi ng mga Israelita. Si Caleb at Joshua lamang ang nagsabi na kaya silang talunin mula sa lakas na nagmumula sa Panginoon.

Bawat tao ay may mga higante rin na hinaharap sa buhay. Sila ang kumakatawan sa mga kabigatan at pagsubok sa ating buhay. Kung hindi natin sila…

continue reading..

Si Joseph: Ang Dakilang Ama

0
photo (14)

Tatlong beses na nagpakita kay Joseph ang anghel ng Panginoon. Sa unang pagpapakita, sinabi sa kanya ng anghel ang hindi kapani-paniwalang pangyayari: Si Maria ay nagdadalangtao bagamat tapat sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon, binalaan siya ng anghel na tumakas sila sa Ehipto dahil papatayin ni Herod ang lahat ng mga sanggol sa Israel. Panghuli, sinabi ng anghel na maaari na silang bumalik sa Israel dahil namatay na si Herod.Sa lahat ng ito, si Joseph ay sumunod.

Sa Biblia, kaunti lamang ang naisulat tungkol kay Joseph. Ngunit malinaw na naipahayag ang kanyang hindi matitinag na pananampalataya at pagsunod. Maaring hindi sundin ni Joseph ang anghel. Mas madali na gawin…

continue reading..

Pagbubulay Tungkol sa Kamatayan

0
DSC_0022

Anong mabuting maidudulot ang mabuhay ng mahaba kung hindi naman bumubuti ang kalooban? Ang mahabang buhay ay hindi laging mabuti sa tao kung namumuhay siya na malayo sa Dios dahil nadadagdagan lamang ang kanyang kasalanan, at nadadagdagan din ang ipagsusulit niya sa Dios.

Maipamuhay sana natin ang bawat araw ng ating buhay na kapuri-puri sa Dios. Marami ang nagbibilang ng mga taon mula nang sila ay naging Kristiano, subalit salat naman ang bunga ng Ispiritu sa kanilang buhay. Totoong nakakatakot ang mamatay, subalit maaaring mas nakakatakot ang mabuhay ng mahaba na hindi kasama ang Dios.

Masaya ang taong marunong at nagsisikap na makamit ang bagay…

continue reading..

May gantimpala ang pagpapagal

0
DSC_0067

          

     “Ihasik mo  ang iyong tinapay sa tubigan, sapagkat ito’y iyong matatagpuan pagkaraan ng maraming araw.” Eclesiastes 11:1

Hindi lingid sa Dios ang lahat ng ating pagpapagal upang maglingkod sa Kanya. Ngunit huwag nating isipin na gagantimpalaan tayo agad ng Dios sa lahat ng ating ginagawang mabuti. Mali din na ating ilaan ang paggawa ng mabuti sa lugar o tao na maaaring bigyang-ganti ang ating pagpapagal.

Matuto tayo sa mga taga Ehipto. Nakagawian na nila na magsabog ng binhi katulad ng palay o mais sa katubigan ng Ilog Nilo (Nile River). Sa ating tingin ito ay malaking pag-aaksaya. Subalit kapag dumating ang baha, ang binhi ng palay…

continue reading..

Pagpapakababa

0

IMG_0500

Ano ang pakinabang ng isang pantas sa kanyang kaalaman, kung wala naman siyang takot sa Dios? Ano ang pakinabang ng lahat ng bagay sa lupa sa pagharap sa Dios na huhusga sa lahat ng gawa ng tao? Mas mabuti pa ang hamak na alipin na naglilingkod sa Dios kaysa sa isang mapagmataas na dalubhasa. Ang taong tunay na nakakilala sa sarili ay hindi kailanman magmamalaki o maghahangad ng papuri ng tao dahil alam niya ang kasamaan ng kanyang puso.

Dito sa lupa, maraming bagay na maaaring pag-aralan, subalit  walang pakinabang na naidudulot sa kaluluwa. Kaya hindi dapat maging lubhang abala sa paghanap ng kaalaman dito sa lupa dahil ito ay…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top