Ang Dakilang Sedro
0“Ang ginagawa ko’y hindi mo pa nauunawaan ngayon, ngunit malalaman mo pagkatapos nito.” (Juan 13:7)
Kalimitan, kapos ang ating paningin sa plano ng Diyos sa ating buhay. Ngunit sa kalangitan, magkakaroon tayo ng kumpletong pananaw, na ang lahat ay magkakaugnay para sa isang mabiyayang kabuoan.
Ang Sedro ang pinakamagandang puno sa kagubatan ng Lebanon. Ang mga ibon ay maligayang nagpupugad sa mayabong na sanga, at ang mga pastol ay maginhawang nagpapahinga sa malamig na lilim nito.
Nguni’t isang araw, ito ay ibinuwal ng palakol at narinig sa kagubatan ang alingawngaw ng pagbagsak nito. Tinanggal ang mayabong na sanga at ang dahon ay kumalat sa kapatagan ng lupa. Ito ay hinilang palayo, naglayag sa dagat at dumating sa kamay ng mga karpentero ni Hiram. Ang dakilang Sedro ay dumaan pa sa ibayong paghahanda at pagpapakinis. Hindi nagtagal ito ay itinayo bilang haligi sa marangal at banal na templo na ipinatayo ni Solomon bilang Tahanan ng Diyos.
Maraming Kristiano ang katulad sa puno ng Sedro. Ang palakol ng pagsubok ay nagbibigay ng matinding sakit ng kalooban, at minsan hindi natin makita ang dahilan kung bakit nangyayari ito. Subalit may magandang plano ang Dios. Ito ay upang gawin tayong maningning na haligi sa Kaharian Niya sa Zion. Katulad ng Sedro, kailangan tayong magpailalim sa paggawa ng Dakilang Karpentero upang tayo ay “maging korona ng kagandahan sa kamay ng Panginoon” (Isaias 62:3).
Mula sa Aklat na Streams in the Desert ni L.B. Cowman