Walang Anuman sa Langit ang Mumurahin

0

 

IMG_2886    

“At nakita namin doon ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anak, na mula sa mga Nefilim; at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga tipaklong at gayundin kami sa kanilang paningin.” (Mga Bilang 13:33)

Sa labindalawang espiya na isinugo ni Moises upang magsiyasat sa lupain ng Canaan, sampu ang nagsabi na ang mga nakatira doon ay higante at hindi kayang magapi ng mga Israelita. Si Caleb at Joshua lamang ang nagsabi na kaya silang talunin mula sa lakas na nagmumula sa Panginoon.

Bawat tao ay may mga higante rin na hinaharap sa buhay. Sila ang kumakatawan sa mga kabigatan at pagsubok sa ating buhay. Kung hindi natin sila magapi, tayo ang gagapiin nito.  Ngunit tiwala sa Dios ang mabibigay ng lakas upang magtagumpay.

Maaaring sabihin ng iba na kung tayo ay sinasamahan ng kapangyarihan ng Dios, bakit dinadanas pa rin natin ang mga kahirapan? Nang sumunod si Pablo sa Panginoong Hesus, nagsimula nang dumating ang hindi matapos-tapos na pag-uusig. Sa pagpapahayag ni Pablo ng Salita ng Dios sa iba’t-ibang bayan, hinarap niya ang pag-uusig, pagkabilanggo, lamig at gutom, makamandag na ahas, pagkasira ng barko, atbp. Subalit malinaw kay Pablo na sa lahat ng pagsubok, ang kapangyarihan ng Dios ay sumasakanya at tiyak ang pagtatagumpay.

Walang kapalit na halaga ang ginawa ng Anak ng Dios para sa ating katubusan. Gayundin, lahat ng ispiritwal na pagpapala ay hindi madaling makamtan. Kailangang paghirapan ang mga ito. Dinadala tayo ng mga pagsubok at kabigatan sa pandayan ng pananampalataya at karakter. Upang mangibabaw tayo sa ating natural o lumang pagkatao, kailangan nating maranasan ang paghihirap sa pagkikipaglaban, gaya din ng paghihirap sa panganganak ng isang ina at gaya rin ng pakikipaglaban sa mga higante sa Canaan.

Anuman ang ating pinagdaraanan, ang kapangyarihan ng Dios upang tayo ay magtagumpay ay sasa-atin. Subalit kailangan natin ng matibay na pagtitiwala sa Dios. Kailangan ding lumaban ng buong tapang, gaya ng kaisipan ni Caleb at Joshua. Walang anumang bagay sa langit ang mumurahin. Upang makamit ang ispiritwal na pagpapala dapat itong paghirapan.

 

Isinalin sa Filipino mula sa Streams in the Desert ni L.B. Cowman

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top