
“Ang katapatan ng Dios ay bago, bawat umaga.”(Panaghoy 3:22,23). Subalit minsan, nakakalimutan natin na hindi lamang tapat ang Dios, ang Kanyang biyaya ay sumasagana rin sa ating harapan. Tunay na ang bawat araw ay punong-puno ng pagpapapala (Mga Awit 68:19).
Sa pag-gising sa umaga, panibagong lakas ang ibinigay ng masarap na pagtulog. Isang misteryo na ang lahat ng tao ay pinatutulog ng Dios sa gabi. Magalak tayo na magising na malakas, nakakabangon, nakakalakad, nakakahinga ng maluwag, nakikita natin ang magagandang paligid, naririnig natin ang iba’t-ibang tunog, naaamoy ang sari-saring halimuyak na nagpapasaya sa buhay. May pagkain tayo sa mesa, may tubig na maiinom at may iba’t-iba pang pagpapala na naghihintay ng…
continue reading..
Naglalakad sa bukid ang dalawang magkapatid nang makita nila ang isang maliit na puno na hitik na hitik sa masasarap na bunga. Masaya nilang pinitas ang mga prutas at kumain hanggang sila’y mabusog. Nang sila’y pauwi na, pinitas ng unang kapatid ang natitira pang bunga upang iuwi, samantalang binunot ng ikalawa ang maliit na puno upang itanim sa kanyang lupa. Hindi nagtagal, naubos ang iniuwing prutas ng unang kapatid. Lumaki at naging malusog naman ang itinanim na puno ng ikalawang kapatid. Ito ay namunga ng mas marami pang prutas at ito ay naging kagalakan niya sa bawat araw.
Ang Biblia ay ang maliit na bungang-kahoy sa kwento. Ang simpleng pakikinig o…
continue reading..
Ang ating nakikita ang kalimitang nagdidikta ng ating pakiramdam o emosyon. Kapag tayo ay may nakitang naghihirap, tayo ay naaawa. Kapag may kasamaan tayong nasaksihan, tayo ay nagagalit, at kung ang buhay natin ay nanganganib, tayo ay natatakot. Natural sa tao ang maapektuhan ng kanyang nakikita, at ito rin ang hangad ni Satanas na mangyari sa atin.
Subalit sa mga Kristiano, layon ng Dios na tumingin tayo sa katotohanan, hindi sa pakiramdam at sa ating nakikita.
Para sa mga Kristiano, kalooban ng Dios na ating pagtiwalaan ang katotohanan na nakasulat sa Biblia. Nais ng Dios na pagtiwalaan natin si Hesus at ang natapos Niyang gawa sa atin. Kung tayo ay magtiwala…
continue reading..
Pinakadakilang bagay ngunit malalim na misteryo ang pag-iisa ng kaluluwa at katawan. Paanong ang isang dakot na alabok ay nabuhay at nagkaroon ng pag-iisip! Dakila man, ito’y, hindi pa rin maikukumpara sa sagradong pag-iisa ni Kristo at ng Kanyang mga tao (Mga Taga-Efeso 5:30, 32). Mag-aasawa ba ang Prinsipe ng Inglatera ng isang mabaho, at pinakapangit na babae sa lupa? Ito ay mababaw na pagkukumpara subalit, ganito ang ginawa ni Kristo. Lampas sa pang-unawa na maunawaan ang pakikipag-isa si Kristo sa marumi at makasalanang tao.
Ang pag-iisang ito, kung saan si Kristo ang Ulo at ang Iglesia ang Katawan, ay itinalaga na ng Dios bago pa man lalangin ang sanlibutan. Sa…
continue reading..
Mahalaga ang katanungang ito dahil ito ang magtatama sa iyong kaisipan. Ang iyong katawan ay panandalian lamang. Mabuhay ka man ng masagana at masaya, ito ay may katapusan. Magdusa ka man dahil sa sakit, kahirapan, problema sa relasyon, trabaho, atbp, lahat ng ito ay may hangganan. Ang talino at galing ng isang dalubhasa, pintor, doktor, propesor, atleta, atbp ay maglalaho sa oras ng kamatayan ng taong may angkin nito. Sinasabi sa 2 Pedro 3:10, “Ngunit darating ang araw ng Panginoon… ang lupa at ang gawang naroon ay masusunog.”
Subalit lumipas man ang…
continue reading..
Hindi maunawaan ni Maria at Marta kung bakit naantala ang pagdating ng Panginoong Hesus. Kaya’ t kanilang nasabi,“ Panginoon, kung narito Ka sana, hindi sana namatay ang kapatid ko.” (Juan 11: 21,32). Maaaring ganito ang kanilang iniisip,“Panginoon, hindi namin maunawaan kung bakit hindi ka agad dumating at hinayaan Mong mamatay ang taong Iyong minamahal. Ngayon huli na ang lahat dahil patay na si Lazarus!”
Subalit simple lamang ang sagot ni Hesus,“ Hindi ba sinabi Ko sa iyo na kung ikaw ay sasampalataya ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
Hindi rin maunawaan ni Abraham kung bakit kailangan niyang isakripisyo ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac, ngunit nakita niya ang kaluwalhatian ng…
continue reading..
Ang Dios ay mabisang kumikilos sa karakter ng isang tao sa panahon ng krisis. Ang mga dumarating na kabigatan sa buhay ay siya mismong daluyan ng paglago at mabungang buhay ng isang tao. At ito ay mapapatunayan natin sa mga napagdaanan na nating pagsubok.
Mayroon nagsabi na noong si Joseph ay nasa bilangguan, “Ang bakal ay dumaloy sa kanyang kaluluwa.” Ang mabibigat na problema ang nagpapatibay sa kaluluwa. Ang taong labis na nabibigatan sa simpleng problema ay tiyak na lubhang mahihirapan at baka hindi kayanin ang mas mabibigat na pagsubok. Kailangan ay ang “bakal sa buhay” upang tumibay ang ating katauhan.
Ang bakal sa puso ay ang matibay na pagtitiwala na…
continue reading..

Kaya bang sukatin ang tindi ng kasalanan? Walang maaaring ihambing sa tindi ng kasalanan, subalit hindi ito kinakatakutan ng tao at hindi rin sila nababahala sa implikasyon nito sa kanilang kaluluwa.
Sinasabi sa Biblia na ito ay naitanim sa puso ng bawa’t tao nang magkasala si Eba at Adan. Malala ang epekto nito sapagkat walang patid nitong nilalason ang ating kaisipan, salita at kilos. Tayo ay naging marumi at may sala sa harapan ng Diyos, ngunit wala tayong kakayahan na lumaya sa gapos at sumpa nito (Rom 3:20). Habang tayo ay nabubuhay, ang dulot nito ay kahihiyan at sa oras ng kamatayan, ang naghihintay sa may sala ay…
continue reading..

Isang kapitan ng barko ang nagsalaysay ng isang pangyayari na nagpabago sa kanyang buhay Kristiano.
Kapitan: “Nasa timon ako ng barko ng lumapit sa akin ang isang pasahero na ang pangalan ay George Mueller. Nakatira siya sa Bristol, England.”
George Mueller: “Kapitan, kailangan kong sabihin sa iyo na dapat akong makarating sa Quebec sa Sabado ng hapon.”
Kapitan: “Imposibleng mangyari iyon, Mr Mueller!”
George Mueller: “Kung hindi ako madadala ng iyong barko, magpapadala ang Dios ng ibang paraan para ako makarating, sapagkat sa 57 taon ng aking pagmiministeryo, kahit minsan ay hindi ako lumiban sa takdang usapan. Kaya’t tayo ay manalangin.”
Kapitan: “Mr. Mueller, hindi mo ba alam kung gaanong kakapal ang tumatakip na ulap…
continue reading..
Ang tunay na pananampalataya ay naipapahayag hindi lamang sa gawa kundi mas higit sa oras ng pagdurusa. Ang pagkabigo ng inaasam-asam na pangarap, kahirapan, pag-iisa, pagkamatay ng mahal sa buhay, pagkaratay sa malalang sakit, pag-alipusta, at pag-uusig ay maaaring danasin ng isang Kristiano. Subalit kung tanggapin ito ng may pagpapasakop, ang katapat nito ay maluwalhating korona. Ito ang sinabi ni Kristo. “Ama, kung ibig Mo, ilayo Mo sa Akin ang kopang ito, gayunma’y huwag ang kalooban Ko ang mangyari kundi ang sa Iyo.” (Lucas 22:42)
Mula sa pagdurusa ay dadaloy ang bagay na maganda para sa kaluluwa. Mula sa pagdurusa, naisatitik ni David para sa atin ang nakapagpapalakas na mga Psalmo….
continue reading..