Panalanging May Pagtitiwala

0

IMG_1045
Isang kapitan ng barko ang nagsalaysay ng isang pangyayari na nagpabago sa kanyang buhay Kristiano.

Kapitan: “Nasa timon ako ng barko ng lumapit sa akin ang isang pasahero na ang pangalan ay George Mueller. Nakatira siya sa Bristol, England.”

George Mueller: “Kapitan, kailangan kong sabihin sa iyo na dapat akong makarating sa Quebec sa Sabado ng hapon.”

Kapitan: “Imposibleng mangyari iyon, Mr Mueller!”

George Mueller: “Kung hindi ako madadala ng iyong barko, magpapadala ang Dios ng ibang paraan para ako makarating, sapagkat sa 57 taon ng aking pagmiministeryo, kahit minsan ay hindi ako lumiban sa takdang usapan. Kaya’t tayo ay manalangin.”

Kapitan: “Mr. Mueller, hindi mo ba alam kung gaanong kakapal ang tumatakip na ulap sa daraanan natin?”

George Mueller: “Ang aking mga mata ay wala sa ulap kundi nasa Dios na namamahala sa lahat ng pangyayari sa aking buhay.”

Kapitan: “Nanalangin si George Mueller ng pinakasimpleng panalangin na aking narinig. At nang ako ay mananalangin ay kanya akong pinigil.”

George Mueller: “Huwag ka nang manalangin. Una hindi ka naniniwala na tutugon ang Dios,  at ikalawa, naniniwala ako na sasagutin ng Dios ang aking panalangin, kaya hindi mo na kailangan pang manalangin. Nakilala ko ang aking Panginoon sa loob ng 57 taon at walang pagkakataon kahit minsan na hindi nakinig ang Hari sa akin. Buksan mo ang pinto Kapitan at makikita mo na wala na ang makapal na ulap.”

Kapitan: “Binuksan ko nga ang pinto at totoo na wala na ang makapal na ulap. Kayat noong Sabado ng hapon si George Mueller ay nakarating sa Quebec ayon sa kanyang panalangin. “

Kung ang pag-ibig ay may pagtitiwala
Sa Kanyang Salita ay may pagtitiwala
Sa buhay natin ay maitatanghal
Ang Kanyang dakilang pagmamahal

Isinalin sa Filipino mula sa Streams in the Desert ni L.B. Cowman.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top