Hindi Mabilang Na Biyaya

0

sam_0562

“Ang katapatan ng Dios ay bago, bawat umaga.”(Panaghoy 3:22,23). Subalit minsan, nakakalimutan natin na hindi lamang tapat ang Dios, ang Kanyang biyaya ay sumasagana rin sa ating harapan. Tunay na ang bawat araw ay punong-puno ng pagpapapala (Mga Awit 68:19).

Sa pag-gising sa umaga, panibagong lakas ang ibinigay ng masarap na pagtulog. Isang misteryo na ang lahat ng tao ay pinatutulog ng Dios sa gabi. Magalak tayo na magising na malakas, nakakabangon, nakakalakad, nakakahinga ng maluwag, nakikita natin ang magagandang paligid, naririnig natin ang iba’t-ibang tunog, naaamoy ang sari-saring halimuyak na nagpapasaya sa buhay. May pagkain tayo sa mesa, may tubig na maiinom at may iba’t-iba pang pagpapala na naghihintay ng ating pansin.

Ilan ang tumigil sandali upang pagmasdan ang ganda ng kalangitan sa umaga – isang malualhating tanawin na pinasigla ng paglalaro ng mga kulay at liwanag doon sa silangan. Makikita ang sigla ng halaman na dinilig ng hamog sa magdamag. Matitingkad ang kulay ng mga bulaklak. Subalit minsan mas mabuti pa ang mga ibon. Sa unang pagsilay ng liwanag, ang masisigla nilang awitan ay ating maririnig na parang nagpapasalamat sa Dios na lumalang.

Ang maraming pagpapala sa bawat araw, minsan ay tinitingnan natin na pangkaraniwang nangyayari na lamang. Ang dahilan ay sapagkat ang ating isip at atensyon ay nakatuon sa gawain at alalahanin sa bawat araw. Palagi na lamang tayong nagmamadali.

Upang maiwasan ito, umpisahan natin ang bawat araw sa maitimtim na panalangin. Ang Dios na siyang may hawak ng ating mga hakbang at lahat ng pangyayari sa lupa ay maglalapit sa ating puso upang tayo ay malugod at maging mapagpasalamat sa hindi mabilang na biyaya sa ating harapan.

 

Hango sa aklat na “Keep a Quiet Heart”  ni Elizabeth Elliot George

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top