Hindi sa Pakiramdam

0

 

sam_0554

Ang ating nakikita ang kalimitang nagdidikta ng ating pakiramdam o emosyon. Kapag tayo ay may nakitang naghihirap, tayo ay naaawa. Kapag may kasamaan tayong nasaksihan, tayo ay nagagalit, at kung ang buhay natin ay nanganganib, tayo ay natatakot. Natural sa tao ang maapektuhan ng kanyang nakikita, at ito rin ang hangad ni Satanas na mangyari sa atin.

Subalit sa mga Kristiano, layon ng Dios na tumingin tayo sa katotohanan, hindi sa pakiramdam at sa ating nakikita.

Para sa mga Kristiano, kalooban ng Dios na ating pagtiwalaan ang katotohanan na nakasulat sa Biblia. Nais ng Dios na pagtiwalaan natin si Hesus at ang natapos Niyang gawa sa atin. Kung tayo ay magtiwala sa “sinabi ni Hesus,” ang Dios ang magbibigay ng kaukulang pakiramdam ayon sa ating kalagayan.

Bagamat mahalaga ang pakiramdam, hindi ito ibinibigay ng Dios upang tayo ay himukin na magtiwala sa Kanya. Hindi rin Niya ito ibinibigay upang maramdaman natin na tayo ay lubos na nagtitiwala sa Kanya. Ibinibigay lamang ito ng Diyos kapag nakita Niya na nagtitiwala tayo sa Kanya hiwalay sa ating pakiramdam. Ang kaukulang pakiramdam ay ipagkakaloob ng Dios ayon sa ating kalagayan.

Kaya nga bilang mga tagasunod ni Kristo, dapat lagi nating piliin ang katotohan na na kay Kristo at hindi ang ating pakiramdam. Sa mga desisyon at gawain, huwag nating gawing basihan ang pakiramdam. Ito ay pabago-bago, na parang buhangin o alon sa dagat.

Dapat nating tingnan ang  katotohanan ng Dios. Ito ay sigurado, hindi natitinag na gaya ng Matibay na Bato na si Kristo.

Mula sa walang simula, hanggang sa pangwalang-hanggan si Kristo ay hindi nagbabago. Sa kanya tayo tumingin, hindi sa ating nakikita, hindi sa ating pakiramdam.

 

Hinango sa Streams in the Desert ni L.B. Cowman

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top