“Dios Ko, Dios Ko, Bakit Mo Ako pinabayaan?” Mga Awit 22:1

0
IMG_5761

Narito ang kalaliman ng kapighatian ng Tagapagligtas. Sa sandaling ito, naranasan ni Hesus ang pinakamapait na kalagayan. Ang yugtong ito ay punong-puno ng kabigatan kung kaya’t ang Tagapagligtas ay napasigaw, “Dios Ko, Dios Ko, bakit mo ako pinabayaan?”. Sa oras na iyon, binabata ni Hesus ang matinding paghihirap ng Kanyang katawan at kaisipan dahil sa panglalait, paghamak at kahihiyan. Ngunit ang mas matinding pasakit na hindi masusukat, ni maipapahayag man ng tao ay nang ang presensya ng Ama ay lumayo sa Kanya. Ito ang pinakamadilim at malagim na pangyayari sa Kalbaryo. At si Hesus ay kusang bumaba sa di maarok na kalaliman ng pagdurusa.

Walang tao ang makakaunawa sa kahulugan…

continue reading..

Ang Paghihirap ni Kristo

0
IMG_5759

Ang tindi ng pagkasuklam ni Kristo sa kasalanan (dahil ito ay paglapastangan sa Kanyang Ama) ay naipahayag sa paghihirap Niya sa Krus. Dito, Kanyang pinawi ang kahihiyan na ibinigay ng kasalanan sa Dios. Subalit sa Krus din Niya naramdaman ang matinding poot ng Dios sa kasalanan. Kung kayat sa Krus ay nagtagpo ang pag-ibig ni Kristo sa Dios at ang masaganang biyaya para sa makasalanan.

Sa Krus, naramdaman Niya ang pinakamababang pakikitungo ng tao, ngunit para sa mga pinili, ang paghihirap na ito ay walang kasing-halaga. Ipinalagay Siya ng mga tao na para bang walang karapatang mabuhay ng kanilang isinigaw, “Ilayo Siya, Ilayo Siya, Ipako Siya sa Krus!” (Juan 19:15)….

continue reading..

Ang Biyaya ay Sapat

0

IMG_5759
“Ang Aking Biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Cor. 12:9)


Kung walang pagsubok na nararanasan ang mga anak ng Dios, ang pagkilos ng biyaya sa kanilang buhay ay hindi maipapahayag.

Nagliliwanag ang biyaya ng Dios sa isang manlalakbay na naliligaw ngunit sinasabi: “Ang tiwala ko ay sa Dios”. Gayon din sa mahirap ang kalagayan sa buhay ngunit nagbibigay ng kalualhatian kay Hesus. Kung ang isang naulilang balo na nalulukuban ng lungkot ay patuloy na sumasampalataya kay Kristo, O anong karangalan ang naibibigay sa Ebanghelyo!

Ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa pagharap ng mga mananampalataya sa mga pagsubok. May kabigatan man, naroon ang…

continue reading..

0
IMG_5759

“Ang Aking Biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Cor. 12:9)

Kung walang pagsubok na nararanasan ang mga anak ng Dios, ang pagkilos ng biyaya sa kanilang buhay ay hindi maipapahayag.
Nagliliwanag ang biyaya ng Dios sa isang manlalakbay na naliligaw ngunit sinasabi: “Ang tiwala ko ay sa Dios”. Gayon din sa mahirap ang kalagayan sa buhay ngunit nagbibigay ng kalualhatian kay Hesus. Kung ang isang naulilang balo na nalulukuban ng lungkot ay patuloy na sumasampalataya kay Kristo, O anong karangalan ang naibibigay sa Ebanghelyo!
Ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa pagharap ng mga mananampalataya sa mga pagsubok. May kabigatan man, naroon ang…

continue reading..

Ang Galit na Darating (Mateo 3:7)

0
IMG_4702

Pagkatapos na manalasa ang isang malakas na bagyo, lantad man ang pagkasira sa paligid, ngunit may mga bagay na maganda sa paningin. May kislap ang mga natitira pang patak ng ulan, sariwa ang hangin at mababanaag ang muling pagsikat ng araw. Ito ang kalagayan ng bawat Kristiano. Naglalakbay siya sa lupain na nagpahirap sa katawan ng Tagapagligtas at kung may kalungkutan man, ito ay tinutunaw ng habag ni Hesus. Si Hesus din ang nagpapatotoo sa Kanyang bayan na lahat ng Kanyang paghihirap na dinanas sa lupa ay hindi para sa Kanyang pagkawasak.

Pagkabalisa naman at takot ang mararamdaman kung mabalita ang pagdating ng isang malakas na unos. Makikita sa langit ang…

continue reading..

Pinagaling ang Pipi na Inaalihan ng Demonyo

0
IMG_0548

Katatapos pa lamang  pagalingin ni Hesus ang dalawang bulag at dumadating naman ang pangkat na kasama ang pipi na humihiling din ng kagalingan.  Walang pagod ang Panginoong Hesus sa pag-gawa ng mabuti.  Na kay Hesus ang balon ng masaganang biyaya  na walang kaubusan, kahit ito ay walang tigil na ipinamamahagi.

Ang pipi ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng demonyo. Maihahalintu-lad ito sa mga wala kay Kristo, ang naghahari sa kanilang puso ay ang dikta ng demonyo. Sila’y pipi sa pananalangin at pagpupuri sa Dios.

Hindi nagkusang lumapit ang pipi kay Hesus dahil sa kapangyarihan ng demonyo sa kanya.  Subalit  dinala siya kay Hesus  ng mga sumasampalataya sa Kanya at nakasumpung din ang…

continue reading..

Hindi Maipapaliwanag na Dios

0
IMG_0626

Ang tunay na Dios ay hindi kayang isipin o ipaliwanag ng tao dahil lampas ang Dios sa konsepto ng tao. Ngunit mapilit ang tao na gumawa ng anyo ng Dios na kaya nilang tawagan sa panahon ng pangangailangan. Kaya’t gumagawa sila ng kanilang anyo ng Dios. Kalimitan ito ay nagsisimula sa mga bagay na nakikita o bagay na materyal. Gumagawa sila ng rebulto at ito ang kanilang sinasamba. Ang iba naman ay kumakatha sa isip ng imahenasyon ng Dios. Sa kanilang imahenasyon, naguumpisa pa rin sila sa bagay na nakikita, kaya’t ito ay mga rebulto pa rin na hinubog ng kaisipan at kasuklam-suklam din sa Panginoon.

Dahil hindi kayang ipaliwanag ang Dios,…

continue reading..

TBC Welcomes Joash Nigel

0

TBC brethren celebrate with Brother Raymar and Janet,in the birth of their baby, Joash Nigel. He was born on January 8 , and weighed 6.2 lbs. Janet gave birth in Lying-in Clinic in Sto Cristo San Pablo City.
Janet and Baby Nigel joined the church in worship service last Sunday. Indeed, Janet has quickly recovered from a relatively smooth delivery. God answered the church prayer for a safe delivery of a healthy baby.

Janet was given a baby shower by TBC ladies on the last Sunday of December. The sisters encouraged her through Bible verses showing God’s faithfulness. Some sisters gave symbolic gifts, while Lena and Lyn offered her a song…

continue reading..

Pagsamba Sa Dios-diosan

0
IMG_0474

Ang pagsamba sa dios-diosan (idolatry) ay kasuklam-suklam sa Dios sapagkat ito ay paghamak sa pagkadios ng Dios. Marami ang nag-aakala na ang pagsamba sa dios-diosan ay ang pagluhod sa mga rebulto at pagtitiwala sa mga ito. Ang hindi gumagawa nito ay hindi nagkakasala ng “idolatry”. Ngunit ang taong gumagawa ng sariling imahen ng Dios sa kanyang isip na taliwas sa katotohanan, ay nagkakasala rin ng idoltry. Ang nabuong imahen ng Dios ang siyang nagiging kapalit ng tunay na Dios para sa kanya.

Ang pag-iisip tungkol sa Dios ay hindi maaring maiwalay sa kalagayan ng puso ng tao. Kung ang puso at isipan ay masama, tiyak na mali ang magiging pagtingin niya…

continue reading..

Tamang Kaisipan Tungkol sa Dios

0

IMG_5760
Ang pinakamalalim na kaisipan na maaring maisip ng tao ay ang tungkol sa Dios. Ang salitang “Dios” ang pinakamabigat na salita sa anumang lenguahe. Napakahalaga na ang ating pag-iisip tungkol sa Dios ay umaayon sa pagkadios ng Dios. Ito ay batayan hindi lamang ng sistematikong teolohiya, kundi ng pamumuhay ng isang Kristiano. Ang maling doktrina ay bunga lamang ng maling kaisipan tungkol sa Dios.

Nakalulungkot at nakababahala na ang konsepto ng mga Kristiano patungkol sa Dios sa panahong ito ay sobra nang bumabaw at isang kalamidad sa ating moralidad.

Subalit ang taong may tamang paniniwala tungkol sa Dios ay lumaya sa libo-libong problema sa mundo. Malutas man ang lahat ng problema, sa…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top