Pagsamba Sa Dios-diosan

0
IMG_0474

Ang pagsamba sa dios-diosan (idolatry) ay kasuklam-suklam sa Dios sapagkat ito ay paghamak sa pagkadios ng Dios. Marami ang nag-aakala na ang pagsamba sa dios-diosan ay ang pagluhod sa mga rebulto at pagtitiwala sa mga ito. Ang hindi gumagawa nito ay hindi nagkakasala ng “idolatry”. Ngunit ang taong gumagawa ng sariling imahen ng Dios sa kanyang isip na taliwas sa katotohanan, ay nagkakasala rin ng idoltry. Ang nabuong imahen ng Dios ang siyang nagiging kapalit ng tunay na Dios para sa kanya.

Ang pag-iisip tungkol sa Dios ay hindi maaring maiwalay sa kalagayan ng puso ng tao. Kung ang puso at isipan ay masama, tiyak na mali ang magiging pagtingin niya sa Dios. Kayat sinabi ng Dios sa Mga Awit 50:21 “ …iniisip mong Ako’y gaya mo.” Tunay na ito ay malubhang panglilibak sa kataas-taasang Dios kung saan ang mga anghel ay umaawit gabi at araw ng Banal, Banal, Banal Dios na Makapangyarihan! Ang puso lamang na malinis at binago ni Kristo ang magkakaroon ng tamang kaisipan tungkol sa Dios.

Ang “idolatry” ay ang pag-iisip ng mga bagay na hindi nararapat sa pagka-dios ng Dios. Nag-uumpisa ito sa isip at nangyayari kahit walang tuwirang pagsamba. Ang sabi ni Pablo sa Roma 1: 21 “sapagkat kahit kilala nila ang Dios, Siya ay hindi nila niluwalhati bilang Dios, ni pinasalamatan man…”

Dadaloy ang mabahong tubig ng “idolatry” mula sa maling pag-iisip tungkol sa Dios. At dito rin aayon ang kilos at pamumuhay ng isang tao . Ang maling kaisipan tungkol sa Dios ay siya ring  sisira sa relihiyon. Napahalaga na ang bawat Iglesia ay magkaroon ng tamang kaisipan tungkol sa Dios. Mag-uumpisa ang pagbagsak ng Iglesia kung hindi manindigan sa tamang katuruan tungkol sa Dios.

Isinalin sa Filipino mula sa aklat na The Knowledge of the Holy. A.W Tozer. 1989. OM Publishing. UK. Pp 11-15

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top