Hindi Maipapaliwanag na Dios
0Ang tunay na Dios ay hindi kayang isipin o ipaliwanag ng tao dahil lampas ang Dios sa konsepto ng tao. Ngunit mapilit ang tao na gumawa ng anyo ng Dios na kaya nilang tawagan sa panahon ng pangangailangan. Kaya’t gumagawa sila ng kanilang anyo ng Dios. Kalimitan ito ay nagsisimula sa mga bagay na nakikita o bagay na materyal. Gumagawa sila ng rebulto at ito ang kanilang sinasamba. Ang iba naman ay kumakatha sa isip ng imahenasyon ng Dios. Sa kanilang imahenasyon, naguumpisa pa rin sila sa bagay na nakikita, kaya’t ito ay mga rebulto pa rin na hinubog ng kaisipan at kasuklam-suklam din sa Panginoon.
Dahil hindi kayang ipaliwanag ang Dios, ang mga sumulat ng Biblia ay maingat na gumagamit ng mga salitang “kawangis o katulad” ng bagay na alam na natin. Ito ang ginamit ni Ezekiel ng magkaroon siya ng pangitain ng trono ng Dios. “ Ezekiel 1:13.
Ang tao ay ginawa ayon sa imahen ng Dios kaya’t bagamat makasalanan, ay nais din niya na mag-isip ng tungkol sa Dios. Ngunit kung hindi kaya ng tao na magisip ng tama tungkol sa Dios, paano natin Siya makikilala? Paano makikilala ang hindi kayang maunawaan?
Si Kristo ay bumaba sa lupa at Siya ang nagpakilala sa atin sa Dios. Siya ay namatay upang pag-ugnayin ang tao at ang Dios. At Siya ay nagpapakilala hindi sa pamamagitan ng kaisipan kundi sa pananampalataya at pag-ibig. Isang misteryo na makilala ang Dios ng personal na karanasan, at manatiling natatago sa ating kaisipan.
Hindi natin makikilala ang Dios sa Kanyang pagkadios, subalit maaari natin Siyang makilala ayon sa mga bagay na Kanyang ipinahayag. Sa Kanyang mga Katangian makikilala ang Dios. Kaya kung mag-isip tayo ng tungkol sa Dios, isipin natin Siya ayon sa Kanyang mga katangian na nasulat sa Biblia.
Napakalaking pribelehiyo na makilala natin ang hindi mauunawaang Dios. Ito ay dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesus.
Mula sa aklat na . A.W Tozer. 1989. OM Publishing. UK. Pp 11-15