Ang Biyaya ay Sapat

0

IMG_5759
“Ang Aking Biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Cor. 12:9)


Kung walang pagsubok na nararanasan ang mga anak ng Dios, ang pagkilos ng biyaya sa kanilang buhay ay hindi maipapahayag.

Nagliliwanag ang biyaya ng Dios sa isang manlalakbay na naliligaw ngunit sinasabi: “Ang tiwala ko ay sa Dios”. Gayon din sa mahirap ang kalagayan sa buhay ngunit nagbibigay ng kalualhatian kay Hesus. Kung ang isang naulilang balo na nalulukuban ng lungkot ay patuloy na sumasampalataya kay Kristo, O anong karangalan ang naibibigay sa Ebanghelyo!

Ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa pagharap ng mga mananampalataya sa mga pagsubok. May kabigatan man, naroon ang tiwala na ang lahat ay kumikilos para sa ikabubuti . Alam nila na mula sa hagupit ng kasamaan ay may sariwang biyaya na mararanasan. Sila ay nagtitiwala na kung sila ay nasa kalooban ng Dios, ang Dios mismo ang magpapalakas sa kanila sa oras ng kagipitan. Ang pagtitiis ng mga Kristiano ay patunay ng kapangyarihan ng biyaya ng Dios.

May parola (lighthouse) na makikita sa laot ng dagat. Ang tibay nito ay nasusubok kung sa gitna ng malalakas na hampas ng alon ito ay nanatiling nakatayo at matatag. Kung hindi ito hampasin ng hangin, hindi malalaman kung ito ay matibay o hindi.

Ang obra maestra ng Dios ay ang Kristiano na nakatatayo sa gitna ng matinding pagsubok. Siya ay nananatiling matatag, hindi natitinag ng mga unos ng buhay; buo ang loob bagamat may pagluha, dahil sa puso ay may tiwala ng pagtatagumpay.
Siya na nais magbigay ng kalualhatian sa Dios ay dapat na italaga ang kanyang puso sa pagharap sa mga pagsubok sa landas ng Kristianong pamumuhay.

At kung ang iyong nilalakaran ay puno ng pagsubok, ikaw ay magalak sapagkat dito mo maipapakita ang sapat na biyaya ng Dios. Huwag sumagi sa isip mo na Ikaw ay pababayaan ng Dios. Ang Dios na hanggang sa ngayon ay tapat ay dapat pagtiwalaan hanggang katapusan.

 

Morning and Evening. Meditation by Charles H. Spurgeon http://www.youdevotion.com.morneven/march/4

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top