Si John Owen ay may apat na paalala sa mga Kristiano. Una, siya ay nilikha ng Dios ayon sa Kanyang larawan upang mamuhay sa katuwiran ng Dios. Ang kanyang katauhan ay binubuo ng pang-unawa (mind), kalooban (will) at damdamin (affection).
Ang kaisipan ay pangunahin sa kaluluwa ng tao. Ito ang pumipili at nagtuturo ng direksyon o desisyon sa buhay. Tinatawag ito na mata ng kaluluwa. (2). Ang kalooban (will) ay ang disposisyon na kumilos ayon sa dikta ng kaisipan. (3) at ang damdamin ay nagbibigay ng malaking impluwensiya sa ating mga ginugustong gawin. Katulad ng manibela ng sasakyan, dinadala nito ang kaluluwa kung saan nito naisin, at kalimitan, lagi itong…
continue reading..

“Kaya’t habang may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, lalung-lalo na sa mga kabilang sa sambahayan ng pananampalataya.” (Galatia 6:10)
Ang kabaitan at kabutihan ay magkaugnay at malimit ay ginagamit sa iisang kahulugan. Ang parehong kahulugan ay ang pagnanais na malaman ang pangangailangan ng iba at ito ay mapunuan. Ang kabutihan ay ang aktibong pagkilos upang makatulong sa iba. Sa Biblia, ang kahulugan ng kabutihan ay maaring pagiging “matuwid”, kagalang-galang, at may mataas na moralidad, subalit ito rin ay ginagamit sa mga kilos at gawa na mabuti para sa ibang tao.
Ang kabutihan, o kagandahang loob ay ang pagnanais sa puso at isipan na maging masaya ang iba. Ang kabaitan…
continue reading..
“ …Anak, alalahanin mo na sa iyong buhay ay tinanggap mo ang iyong mabubuting bagay, at si Lazaro naman ay ang masasamang bagay. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito at ikaw ay nagdurusa.” Lukas 16:25
Ikaw ang pinakamaganda o pinakamakisig na nilalang sa lupa. Nakabihis ka ng pinakamamahaling kasuotan. Nakatira ka sa isang mala-palasyong tahanan at sa garahe, naroon ang iyong koleksyon ng mamahaling sasakyan. Natitikman mo ang lahat ng kasaganaan na mayroon sa mundo. Ngunit kung lahat man ng kayamanan sa mundo ay sa iyo, maaari mo bang tumbasan ang halaga ng iyong kaluluwa? Ang sabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang kaluluwa? “…
continue reading..
Ang pagpapasalamat ay ang pagkilala sa kabutihan ng Dios at pagbibigay parangal sa Kanya. (Awit 106:1-2). Marapat na itanghal ang Dios, dahil Siya ay mabuti sa lahat Niyang nilikha. Sumisikat ang araw sa mabuti at masama, at umuulan sa matuwid at hindi matuwid. (Mat 4:45; Awit 145:9). Sa mga Kristiano, hindi lamang pagpapala sa mundong ito ang ating natatanggap, natitikman na rin natin ang biyaya sa kalangitan.
Ang pagpapasalamat ay hindi lamang pagbibigay puri sa Dios. Ito ay pagkilala din ng ating kababaan. Ang pagpapasalamat ay nagpapalakas sa ating pananampalataya at nagpapakita ng kontentong puso. Ang pagpapasalamat at pagiging kontento ay nagpapalakas sa isa’t-isa.
Ang pundasyon ng pagiging mapagpasalamat ay buhay…
continue reading..

Kalimitan, ang mga Kristiano ay disiplinado at masipag sa kanya-kanyang mga trabaho. Makikita ang kasipagan ng isang Kristianong mag-aaral, gayon din ang isang ina o ama na tapat sa kanilang tungkulin sa pamilya. At kung may ministeryo sa Iglesia, naroon ang sigasig at pagbibigay ng panahon. Subalit maaring maging masipag tayo sa ating pansariling gawain, ngunit tamad naman sa personal na relihiyon. Nais nating manalangin “Panginoon gawin Mo akong banal.” At iniisip natin na gagawa ang Dios sa atin. Subalit hindi kikilos ang Dios para sa ating kabanalan kung wala tayong sariling pagpapagal para dito.
May mga mahahalagang bagay na ginagawa ang isang Olympic champion upang maging isang magaling na…
continue reading..
Narito ang kalaliman ng kapighatian ng Tagapagligtas. Sa sandaling ito, naranasan ni Hesus ang pinakamapait na kalagayan. Ang yugtong ito ay punong-puno ng kabigatan kung kaya’t ang Tagapagligtas ay napasigaw, “Dios Ko, Dios Ko, bakit mo ako pinabayaan?”. Sa oras na iyon, binabata ni Hesus ang matinding paghihirap ng Kanyang katawan at kaisipan dahil sa panglalait, paghamak at kahihiyan. Ngunit ang mas matinding pasakit na hindi masusukat, ni maipapahayag man ng tao ay nang ang presensya ng Ama ay lumayo sa Kanya. Ito ang pinakamadilim at malagim na pangyayari sa Kalbaryo. At si Hesus ay kusang bumaba sa di maarok na kalaliman ng pagdurusa.
Walang tao ang makakaunawa sa kahulugan…
continue reading..
Ang tindi ng pagkasuklam ni Kristo sa kasalanan (dahil ito ay paglapastangan sa Kanyang Ama) ay naipahayag sa paghihirap Niya sa Krus. Dito, Kanyang pinawi ang kahihiyan na ibinigay ng kasalanan sa Dios. Subalit sa Krus din Niya naramdaman ang matinding poot ng Dios sa kasalanan. Kung kayat sa Krus ay nagtagpo ang pag-ibig ni Kristo sa Dios at ang masaganang biyaya para sa makasalanan.
Sa Krus, naramdaman Niya ang pinakamababang pakikitungo ng tao, ngunit para sa mga pinili, ang paghihirap na ito ay walang kasing-halaga. Ipinalagay Siya ng mga tao na para bang walang karapatang mabuhay ng kanilang isinigaw, “Ilayo Siya, Ilayo Siya, Ipako Siya sa Krus!” (Juan 19:15)….
continue reading..

“Ang Aking Biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Cor. 12:9)
Kung walang pagsubok na nararanasan ang mga anak ng Dios, ang pagkilos ng biyaya sa kanilang buhay ay hindi maipapahayag.
Nagliliwanag ang biyaya ng Dios sa isang manlalakbay na naliligaw ngunit sinasabi: “Ang tiwala ko ay sa Dios”. Gayon din sa mahirap ang kalagayan sa buhay ngunit nagbibigay ng kalualhatian kay Hesus. Kung ang isang naulilang balo na nalulukuban ng lungkot ay patuloy na sumasampalataya kay Kristo, O anong karangalan ang naibibigay sa Ebanghelyo!
Ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa pagharap ng mga mananampalataya sa mga pagsubok. May kabigatan man, naroon ang…
continue reading..
“Ang Aking Biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” (2 Cor. 12:9)
Kung walang pagsubok na nararanasan ang mga anak ng Dios, ang pagkilos ng biyaya sa kanilang buhay ay hindi maipapahayag.
Nagliliwanag ang biyaya ng Dios sa isang manlalakbay na naliligaw ngunit sinasabi: “Ang tiwala ko ay sa Dios”. Gayon din sa mahirap ang kalagayan sa buhay ngunit nagbibigay ng kalualhatian kay Hesus. Kung ang isang naulilang balo na nalulukuban ng lungkot ay patuloy na sumasampalataya kay Kristo, O anong karangalan ang naibibigay sa Ebanghelyo!
Ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa pagharap ng mga mananampalataya sa mga pagsubok. May kabigatan man, naroon ang…
continue reading..
Pagkatapos na manalasa ang isang malakas na bagyo, lantad man ang pagkasira sa paligid, ngunit may mga bagay na maganda sa paningin. May kislap ang mga natitira pang patak ng ulan, sariwa ang hangin at mababanaag ang muling pagsikat ng araw. Ito ang kalagayan ng bawat Kristiano. Naglalakbay siya sa lupain na nagpahirap sa katawan ng Tagapagligtas at kung may kalungkutan man, ito ay tinutunaw ng habag ni Hesus. Si Hesus din ang nagpapatotoo sa Kanyang bayan na lahat ng Kanyang paghihirap na dinanas sa lupa ay hindi para sa Kanyang pagkawasak.
Pagkabalisa naman at takot ang mararamdaman kung mabalita ang pagdating ng isang malakas na unos. Makikita sa langit ang…
continue reading..