Kabaitan at Kabutihan

0

IMG_0626
“Kaya’t habang may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, lalung-lalo na sa mga kabilang sa sambahayan ng pananampalataya.” (Galatia 6:10)

Ang kabaitan at kabutihan ay magkaugnay at malimit ay ginagamit sa iisang kahulugan. Ang parehong kahulugan ay ang pagnanais na malaman ang pangangailangan ng iba at ito ay mapunuan.  Ang kabutihan ay ang aktibong pagkilos upang makatulong sa iba. Sa Biblia, ang kahulugan ng kabutihan ay maaring pagiging “matuwid”, kagalang-galang, at may mataas na moralidad, subalit ito rin ay ginagamit sa mga kilos at gawa na mabuti para sa ibang tao.

Ang kabutihan, o kagandahang loob ay ang pagnanais sa puso at isipan na maging masaya ang iba. Ang kabaitan ay ang pagkilos na ginagawa upang maisakatuparan ang mabuting pakay ng puso. Ang kagandahang loob o kabutihan sa ating puso ay ibinigay ng Banal na Ispiritu upang tayo ay maging sensitibo sa pangangailangan ng iba, ito man ay pisikal, emosyonal or spiritwal. Ang kabaitan ay udyok din ng Banal na Ispiritu upang makita sa gawa at salita ang ninanais na kabutihan na nasa ating puso.

Ang kabutihang loob ay ang pag-alam ng pangangailangan sa kapaligiran at ang pag-alala sa pangangailangan ng iba. Maaaring ito ay simpleng pag-ngiti sa nabubugnot na clerk, pasasalamat sa isang waitress, pag-papalakas ng loob sa isang may karamdaman o papuring salita sa isang bata. Lahat ng ito ay walang halagang pera. Ang halaga sa atin ay ang  masidhing pagnanasa na maging masaya ang ibang tao. Wala mang halaga, ang katumbas nito ay galak sa tumatanggap ng biyaya  mula sa ating mabuting kalooban. Kalimitan ang tao ay nakatingin lamang sa kanyang mga responsibilidad, problema at mga plano. Subalit ang isang taong may biyaya ng kabutihang-loob ay nag-iisip ng kapakanan ng ibang tao at hindi ng sarili lamang.

Ang pinakamagandang kahulugan ng kabutihan ay ipinakita sa buhay at karakter ng Panginoong Hesus. “ …kung paanong naglibot  Siya na gumagawa ng mabuti …” (Gawa 10:38). Tularan natin si Hesus at samantalahin ang panahon upang gumawa ng mabuti.

 

Bridges, Jerry. The Practice of Godliness. Colorado Springs: Navpress, 1996.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top