Maging Mapagpasalamat
0Ang pagpapasalamat ay ang pagkilala sa kabutihan ng Dios at pagbibigay parangal sa Kanya. (Awit 106:1-2). Marapat na itanghal ang Dios, dahil Siya ay mabuti sa lahat Niyang nilikha. Sumisikat ang araw sa mabuti at masama, at umuulan sa matuwid at hindi matuwid. (Mat 4:45; Awit 145:9). Sa mga Kristiano, hindi lamang pagpapala sa mundong ito ang ating natatanggap, natitikman na rin natin ang biyaya sa kalangitan.
Ang pagpapasalamat ay hindi lamang pagbibigay puri sa Dios. Ito ay pagkilala din ng ating kababaan. Ang pagpapasalamat ay nagpapalakas sa ating pananampalataya at nagpapakita ng kontentong puso. Ang pagpapasalamat at pagiging kontento ay nagpapalakas sa isa’t-isa.
Ang pundasyon ng pagiging mapagpasalamat ay buhay na may magandang ugnayan kay Kristo. Ang pagmamahal kay Kristo ay umaapaw at naipapahayag sa pamamagitan ng pagpapasamat. Ito ay pag-galaw ng Banal na Ispiritu sa ating buhay, ngunit kailangan din ng sariling pag-kilos . Kailangan nating linangin ang pagiging mapagpasalamat sa lahat ng bagay at may mga hakbang para dito: Maaari nating lawakan ang saklaw ng ating panalangin sa pagkain, at hindi nakatuon lamang sa mga pagkain na nakahanda sa mesa. Umpisahan din ang bawat araw sa pasasalamat sa pagmamahal at pagkalinga ng Dios (Awit 92:1-2) at sa pagsapit ng gabi, ay pasasalamat naman sa Kanyang katapatan sa maghapon.
Ang pagkakaroon ng prayer list ay makakatulong din. Ang listahang ito ay maaring ipanalangin ng 2-3 beses kada linggo. Ito ang maaaring laman ng prayer list: Kaligtasang kay Kristo, pagkakataong lumago sa pananampalataya, pagkakaroon ng Biblia, mahusay na pagtu-turo sa pulpito at fellowship sa Iglesia, pagkakaroon ng mga aklat at babasahin na nakakatulong sa paglagong ispiritwal, pagkakataong maglingkod sa kaloob na ministeryo, makadios na magulang, makadios na asawa, mga batang lumalaki na nakikilala ang Dios, kalusugan ng pamilya at mga biyaya araw-araw. Marami pang pwedeng maidagdag dito.
Kasama dapat ng listahang ito ay ang pagbubulay ng Salita ng Dios at panalangin na maging mapagpasalamat tayo at makadios. Ang Ispiritu ay gagawa sa atin kung pinupuno natin ng Salita ang ating kaisipan. Makakatulong ang pagsasaulo ng mga verses tungkol sa pagpapasalamat. Kung gawin natin ito, ang ating puso ay tulad sa katulad ng ketongin na bumalik upang magpasalamat.
Bridges, Jerry. The Practice of Godliness. Colorado Springs: Navpress, 1996.