Mapanlinlang na kalayawan ng Laman
0Ang kasalanan ay may mapanlinlang na anyo na tinatawag na: “mapandayang pagnanasa” (Efeso 4:22) Mapandaya, sapagkat tinatawag nito na matamis ang maasim, at maasim ang matamis. Ang mga naniniwala sa kanila ay magiging gaya nila. “Ang kanilang tiyan ang kanilang dios, ang kanilang kahihiyan ang kanilang kapurihan, na nakatuon ang isip sa mga bagay na makalupa” (Fil 3:19). Sa ating panahon, hindi mabilang na tao ang nagdiriwang sa kanilang kahihiyan at nagpapasarap sa lason ng kalayawan.
Ang mapanlinlang na pagnanasa ay maaring magdikta na ang pag-gawa nito ay mas mabuti kaysa sa mapalapit sa Dios. Nagbibigay ito ng kalituhan na nagpapababaw sa kasalanan. Maaring isipin na hindi naman ito kasalanan. Maraming relasyon ang nasira, maging ang pag-aasawa dahil sa mga maling argumento na taliwas sa Salita ng Dios.
Dapat ay may dagliang paglaban kung ang pagnanasa at kalayawan ay nagiging matindi. Masakit at matalas ang salita ni Hesus patungkol sa paglaban sa mapanlinlang na pagnanasa. “Kung ang kanan mong mata ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito at itapon…at kung ang kanan mong kamay ang sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isa sa mga bahagi ng iyong katawan, kaysa ang buong katawan mo ay mapunta sa impiyerno.” (Mateo 5:29)
Tinatawagan tayo ni Hesus na maging marahas sa paglaban sa ating mga pita ng laman. Marahas nating labanan ang pagka-alipin sa pagkain, sa alcohol at malalaswang palabas, sa pera, sa paghanga ng tao, sa kapangyarihan, sa karangalan. Ang pagiging Kristiano ay pagiging mulat sa katotohanan na ang katuwaan ng ating kaluluwa ay nasa panganib, kung kaya ang Kristianismo ay pagkikipagdigma upang makamtan ang tunay at ganap na kasiyahan na siyang nais na Hesus na ating makamtan.
When I Don’t Desire God. How to Fight for Joy. John Piper. 2004. Pp101-102