Magpakababa Tayo at Itanghal ang Biyaya ni Hesus

0

“ At siya’y nagbigay-galang at nagsabi, “ano ang iyong lingkod upang iyong tingnan ang isang asong patay na gaya ko?” 2 Samuel 9:8

Kung si Mephibosheth ay nagpakababa kay Haring David dahil sa ipinakita niyang kabaitan sa kanya, gaano pa kaya na dapat tayong magpakababa sa ating mapagbiyayang Dios? Mas maraming biyayang dumadaloy sa atin, mas lumiliit dapat ang tingin natin sa ating sarili. Sapagkat ang biyaya ng Dios ay parang ilawan na nagpapakita ng ating mga karumihan. Ang patotoo ni Rutherford ay ganito, “Ako ay tuyo at tigang na sanga, isang piraso ng nabubulok na laman, tuyong buto na hindi kayang makatayo kahit sa mga dayami.” Ganito ang…

continue reading..

Ang Diyos Ang Aking Kabahagi

0

Kristiano, tingnan mo ang iyong tinatangkilik at ihambing mo sa pag-aari ng mga hindi Kristiano.  Sila ay may malawak na lupain at taniman. Ang kanilang ani ay laging sagana. Kaya’t sila ay mayaman dito sa lupa. Subalit ano ang malawak na taniman kumpara sa Dios ng Masaganang Ani? Ano ang umaawas na imbakan ng butil kumpara sa Kanya na Siyang kumakalinga at pinagmumulan ng lahat na kinakain ng buong nilalang sa lupa?

Ang yaman ng iba ay limpak limpak na salapi na dumadaloy sa kanilang kaban ng yaman. Subalit ano ang salapi kumpara sa Dios? Hindi ka maaaring mabuhay sa pera lamang. Ang iyong espiritwal na buhay ay hindi kayang pakainin…

continue reading..

Anong Lalim Ng Pag-ibig Ni Kristo!

0

O! anong lawak at lalim ang pag-ibig ni Kristo! Walang bahagi ng buhay ng tao ang hindi Niya napapansin, at walang kabigatan sa atin na hindi mahalaga sa Kanya. Hindi lamang Niya tayo iniisip bilang isang imortal na nilalang na may  kaluluwa, kundi bilang isang mortal, na may marupok na katawan. Kaya nga, “Maging mga buhok ninyo’y bilang na lahat… (Lukas 12:7a). Alam ng Diyos ang hakbang ng mabuting tao, at Siya ay nalulugod dito (Mga Awit 37:23).

Hindi ba isang malalang problema kung hindi nasasaklawan ng pagkalinga ng Diyos ang lahat ng ating kabagabagan? Sapagkat anong panganib at kabigatan ang maaring dumating sa atin kung hindi tayo inaalagaan ng Diyos!

Kaya…

continue reading..

Pagpipigil sa Sarili, Para sa Kabanalan

0

Sunrise over Jerusalem 

Noong unang panahon, ang pader ng isang lunsod ang pangunahing depensa laban sa mga kaaway.  Kaya nang malaman ni Propeta Nehemias na nasira ang pader ng Jerusalem, siya ay labis na nabagabag at umiyak.

Katulad ng pader, ang pagpipigil sa sarili ang pangunahing depensa sa pita ng laman na sumisira sa ating kaluluwa. Ayon kay Charles Bridges, ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling mabihag ng kaaway. Pumapayag siya sa unang panghihikayat ng tukso. Dahil walang disiplina sa sarili, ang tukso ay nagiging kasalanan at maaring magdala sa mas matinding kasalanan na hindi niya iniisip na mangyayari. Katulad ng galit na maaaring humantong sa pagpatay.

Ang pagpipigil ay ang…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top
%d bloggers like this: