Magpakababa Tayo at Itanghal ang Biyaya ni Hesus

0

“ At siya’y nagbigay-galang at nagsabi, “ano ang iyong lingkod upang iyong tingnan ang isang asong patay na gaya ko?” 2 Samuel 9:8

Kung si Mephibosheth ay nagpakababa kay Haring David dahil sa ipinakita niyang kabaitan sa kanya, gaano pa kaya na dapat tayong magpakababa sa ating mapagbiyayang Dios? Mas maraming biyayang dumadaloy sa atin, mas lumiliit dapat ang tingin natin sa ating sarili. Sapagkat ang biyaya ng Dios ay parang ilawan na nagpapakita ng ating mga karumihan. Ang patotoo ni Rutherford ay ganito, “Ako ay tuyo at tigang na sanga, isang piraso ng nabubulok na laman, tuyong buto na hindi kayang makatayo kahit sa mga dayami.” Ganito ang kaisipan ng isang nakasumpong ng biyaya ng kaligtasan kay Kristo.

Ang mga hayop dahil hindi sila nawasak ng kasalanan ay may mataas na pagtingin sa tao bagamat wala silang konsiensya at wala sa kanila ang Banal na Espiritu. Ang aso ay mabangis, matakaw at madumi. Mababa man at hamak ang aso kumpara sa tao, ngunit sa kaunting kabutihan ng kanyang amo, ito ay sumusunod, nagmamahal, at nagiging tapat hanggang sa ito ay mamatay. Subalit kinalimutan at sinusuway ng tao ang Dios na lumalang sa kanya.

Ang salitang “patay na aso” ay isang kataga ng paghamak subalit hindi pa ito ganoong katindi upang ilarawan ang makasalanang kalagayan ng tao. Tayo’y mga halimaw kung tutuusin.

Itanghal natin ang dakilang ginawa ni Kristo. Inilaan Niya ang Kanyang pagmamahal sa mga katulad nating mga alabok. Ating itanghal ang hindi masukat na kadakilaan ng Kanyang biyaya. Hindi ba Siya nasisiyahan sa kalangitan? Kailangan ba Niyang bumaba sa ating mga hamak na tolda at ituring tayong Kanyang asawa, tayong mga hamak, pangit at sunog sa araw? Idagdag pa rito ang ating pagiging makasalanan?

O langit at lupa, magsi-awit ng papuri at ibigay ang buong kalualhatian sa ating Panginoong Hesus na nagmahal sa atin ng labis!

Isinalin sa Tagalog, mula sa Morning and Evening ni Charles Spurgeon

 

 

 

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top