Magsikap Pumasok sa Makipot na Daan

0
photo

      Magsikap kayong pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat sinasabi ko sa inyo na marami ang magsisikap na pumasok at hindi makakapasok” (Luke 13:24)           

May malaking responsibilidad ang bawat tao para sa kanyang kaligtasan.  Walang hanggang pagdurusa ang pagwawalang-bahala dito. Kayat inaanyayahan ni  Hesus ang bawat isa na pumasok sa makipot na pintuan na naglalarawan ng kaligtasan.  Ang pintuan ay daan upang makasama ng Dios na perpekto sa kabanalan ang taong lubhang makasalanan. Ito ay inihanda na ng Dios noon pa man para sa makasalanan. Buhay ni Hesus ang naging halaga ng pintuang ito.

Makipot man ito, subalit wala nang iba pang pintuan. Ang kaligtasan ng tao ay kay Hesus lamang, walang nang iba pa.  Subalit  nagiging napakasikip at  hindi makakaraan dito ang  mga mapagmahal sa layaw ng laman,  ang mga kampante sa buhay, ang  umaasa sa kanilang mabubuting gawa, kahit na ito ay pa may kasamang  pagsisisi.

Bagamat makipot ang pintuan, ito ay laging bukas at maaring pumasok ang sinuman kahit anong oras. Ang kailangan lamang ay makita ang bigat ng kasalanan at magroon ng pagnanais  na pumasok sa pintuan ng kaligtasan.  Huwag isipin  kung “pinili” o hindi. Ang tanging tanong ay “Nais mo bang isuko ang buhay mo kay Kristo, bilang iyong Tagapagligtas?”  Ang pintuang ito ay magbubukas  kahit sa oras na ito. Napakarami nang pumasok  sa pintuang ito, kahit lubhang makasalanan katulad ni Pablo na umusig sa mga Kristiano noong hindi pa siya pananampalataya.  Maging ang mga Hudyo na nagpahirap kay Hesus ay nakakilala sa Tagapagligtas  dahil sa pangangaral ni Pedro. Napakarami na ang pumasok  sa Pintuang ito  at nagkaroon ng kaligtasan. Samantalahin mo sana ang paanyaya habang bukas pa ito.  Marami  na ang pumanaw na hindi nakapasok sa Pintuan ng kaligtasan dahil hindi nila ito binigyan ng pansin.

Sa mga nakapasok na sa pintuang ito, anong laking pasasalamat ang dapat na nasa ating mga puso. Tayo ay pinatawad at handa nating harapin ang kamatayan at paghuhusgang tiyak na darating. Nasa atin ang lahat ng dahilan upang  mamuhay ng may kagalakan at pakapayaan dahil sa malaking awa sa atin ng Dios.

 

Walking with God by J.C. Ryle. Grace Publication Trust. Pp 17-19

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top