Tatlong Mapanganib na Bitag ng Romano Katoliko sa mga Kristiano
0Three Dangerous Traps to Christians by Richard Bennett at Stuart Quint (translated to Filipino by Haydee Lasco)
Nagpapatuloy ang pagbitag ng Iglesia Katoliko sa mga Kristiano gamit ang ibat-ibang paraan ng panlilinlang. Nagbabago man ang kanilang taktika, nananatili ang pakay ng Romano Katoliko na akitin ang mga tao sa kanilang likong pananampalataya.
Ang panlaban ng Iglesia Katoliko sa Repormasyon noong labing anim na siglo (16th century) – at hanggang sa ngayon – ay ang Kontra-Repormasyon. Gumagamit sila ng kumbinasyon ng panlilinlang, intriga at pag-uusig. Ang nangunguna sa pagsulong ng Kontra-Repormasyon ay ang mga Jesuits, isang relihiyosong organisasyon na itinatag noong 1530 ni Ignatius ng Loyola. Tatlong mapanganib na bitag o taktika ang ginagamit ng Romano Katoliko para malabanan ang Repormasyon at maakit sa maling pananampalataya ang mga tao, maging ang mga naniniwala sa Biblia.
- Edukasyon
Ang edukasyon ay epektibong paraan na ginagamit ng Iglesia Romano upang maakit sa kanyang bitag ang mga tao. Ito ay nangyayari hanggang sa ngayon. Pinangungunahan ng mga Jesuits ang isang kilusan na naglalayon na ilayo ang mga kalalakihan at kababaihan sa pananampalatayang ipinapangaral ng Repormasyon, lalong-lalo na ang mga lider at namumuno sa lipunan, kabilang ang kanilang mga anak.
Pinaninindigan ng Repormasyon ang sumusunod na prinsipyo: (1) Ang katotohanan ay masusumpungang lamang sa Biblia. (2) Ang isang tao ay naliligtas sa pamamagitan lamang ng biyaya. (3) Ang kaligtasan ng tao ay ayon lamang sa pananampalataya. (4) Maliligtas ang tao kay Kristo lamang. (5) Ang lahat ay para sa kapurihan at kalualhatian ng Dios lamang.
Ang Kontra-Repormasyon ay depensa sa pag-atake ng mga Reformers sa doktrina ng Romano Katoliko. Layon nito na himukin ang mga tao na manampalataya lamang sa Iglesia Romano at mga sakramento nito. Ang isang matagumpay na taktika ng Kontra-Repormasyon ay ang pag-tatatag ng mga katolikong paaralan (Catholic schools).
Nagsasanay ang mga Jesuits ng mga lalaking Katoliko ng ibat-ibang kaalaman upang magturo at hubugin ang kaisipan ng mga bata sa katuruan ng Katolisismo. Dahil sa husay ng mga guro sa ibat-ibang larangan ng kaalaman, ang mga Jesuits Catholics ay naging mga guro ng mga anak ng hari, prinsipe, namumuno at mga kilalang pamilya sa mga bansang kanilang pinuntahan. Ang taktikang ito ng mga Jesuits ay naging matagumpay upang ang mga kilalang mga bansa katulad ng Spain at Italy ay malayo sa turo ng Reformation. Ang ibang mga bansa katulad ng Poland na sa umpisa ay naimpluwensyahan ng Reformation ay muling nanumbalik sa panampalataya sa Iglesia Katoliko.
Ang katulad na taktika ay ang pag-indoktrina sa mga importanteng lider ng bansa, kasama ng kanilang pamilya sa tinatawag na “Jesuits spiritual exercises”. Itinuturo dito ang pag-aalis sa isip ng anumang turo sa Biblia at pag-papailalim lamang sa mga turo ng Iglesia Romano. Dahil inaangkin ng mga Jesuits na sila ay deretsong nakakalapit sa Dios, nalilinlang nila ang mga tao at inaalis ang kanilang pagkakataon na lumapit sa tanging Tagapagligtas – ang Panginoong Hesu-Kristo.
May Dalang Panganib ang Katolikong Edukasyon Hanggang sa Ating Panahon.
Nagpapatuloy ang taktikang ito hanggang sa ngayon (2019). Layon ng mga Jesuits na paabutin ang “spiritual formation” sa mas maraming tao. Ang mataas na paaralan ng Jesuits ay isang mabisang paraan upang palawakin ang kanilang katuruan. Halimbawa, sa artikulo ng isang Jesuit na si Kevin O’Brien na may pamagat na, “Ang Espiritwal na Pagsasanay bilang Pundasyon ng Edukasyon ng mga Jesuits.” ay ganito ang sinasabi: “Ang mga unang Jesuits na tinatawag na “Ignatian” ay nagsasanay ng panalangin sa paaralan, ito ay mahalaga para sa pagbabago ng Iglesia”. (3).
Ibinunyag ng Jesuit priest na ang Jesuit exercises ay ayon sa “Inspirasyon ng Ikalawang lupon ng Vatican kung saan tinatawag ang mga pari na muling maibalik ang kanilang dating karisma gamit ang iba’t-iba at malikhaing paraan upang mahimok ang mas marami pang mga tao. Upang matupad ang layuning ito, mahalaga na ang mga paring Katoliko ay magkaroon ng mas aktibong partisipasyon sa mga Jesuit Colleges at Universities upang mahubog ang mga guro at lider sa mga misyon at kaugalian ng mga Ignatian na tinatawag ding mga Jesuits.”.
Ang edukasyon ay isa lamang pamamaraan ng Kontra-Repormasyon. Noon at ngayon, ang estratehiya ng Iglesia Romano Katoliko ay ang masinsinang pagtuturo sa mga bata, kalalakihan at kababaihan sa ibat-ibang bansa.
- Ecumenism (Pag-iisa ng mga Iglesia)
Ang isa pang mapanganib na patibong ng Romano Katoliko ay ang tinatawag na Ecumenism. Ito ay ang pagsusulong na magkaisa ang mga Iglesia. Pinamahalaan ni Cardinal Augustin Bea, isang Jesuit ang pagsusulat ng importanteng dokumento ng Vatican Council. Tumulong din siya na maisulat ng isa sa pinakamalahagang dokumento, ang “Nostra Aetate”, na ang ibig sabihin ay “sa ating panahon”. Ang “Nostra Aetate” ay naglalayon na himukin ang mga tao sa buong mundo na makabilang sa Iglesia Romano sa pamamagitan ng “ecumenical dialogue” ( pagkikipag-ugnayan sa mga Iglesiang Kristiano).
Ang talakayan tungkol sa ecumenism (pagsusulong para sa pagkakaisa ng mga iglesia) ay hindi intelektual o mga idea lamang, kundi hangad nito na hubugin ang kaisipan, kilos at buhay ng tao sa isang komunidad. Nilalayon nito na ihanda ang daan para sa pag-iisa ng pananampalataya sa isang Iglesia lamang. Sa pagtatagumpay sa mga balakid tungo sa perpektong pag-iisa, ang bawat Kristiano ay matitipon sa isang sama-samang pagdiriwang ng Eukarista sa iisang Iglesia. Ang pag-iisang ito ay para sa Iglesia Katoliko lamang at hindi ito mawawala sa kanya. Tayo ay umaasa na ito ay magpapatuloy sa paglago hanggang sa pagtatapos ng panahon. (5)
Ang pagkilos ng Romano Katoliko na magkaroon ng pakikipag-usap sa mga Iglesiang Kristiano ay nagresulta sa panghihina ng mga Iglesiang Kristiano na mag patotoo sa tunay na ebanghelyo. Madali silang nakipag-kompormiso. Taliwas sila sa mga Reformers na may malinaw na pagkilala sa Romano Katoliko na nagtuturo ng huwad na ebanghelyo. Maraming modernong evangelical churches sa kanluran ang ikinumpormiso ang kanilang mga paniniwala at nagpalinlang sa Romano Katoliko. Halimbawa na lamang ay si Rick Warren, Pastor ng pinakamalaking Southern Baptist sa America. Sa maraming taon ay kanyang ipinapahayag at pinagtitibay ang kanyang pakikisama sa Romano Katoliko sa ibat-ibang gawain. (6). Hindi siya nahihiya na pagtakpan ang malaking kaibahan ng ebanghelyo ng Panginoong Hesu-Kristo at ang ipinapangaral ng Romano Katoliko.
Matibay ang paniniwala ng Iglesia Katoliko na sila ay magtatagumpay na maakit sa kanilang relihiyon ang mga paganong relihiyon, pati na rin ang mga atheists (hindi naniniwala na may Dios.).“Sa pagtatanggol sa kakayahan ng tao na kilalanin ang Dios, ang Romano Katoliko ay nagpapahayag ng tiwala na kanilang maipakikilala ang Dios sa lahat ng mga tao at relihiyon, at makikipag-talastasan, gamit ang pilosopiya at siensya.” (8)
Para sa Iglesia Romano, ang “Ecumenical dialogue” (pakikipag-usap upang magkaisa ang mga Kristianong Iglesia), ay hindi lamang instrumento upang isulong ang kapayapaan at pagkakaunawaan. Nagtuturo din ito na ikumpormiso ang paniniwala. Kayat ito ay patibong lalo na sa mga Kristiano upang sila ay makipag-isa ng pananampalataya sa ilalim ng isa lamang Iglesia, ang Romano Katoliko.
Sa madaling salita, inaasahan ng Iglesia Romano na ikaw ay lumuhod sa kanyang kapangyarihan at makisama sa kanya. Mag-ingat mga Kristiano!
- Ekonomiya
Ginagamit ng Iglesia ng Roma ang ekonomiya bilang isang mapanganib na patibong sa mga naniniwala sa Biblia. Sinasamantala ng Romano Katoliko ang malaking agwat ng mayaman at mahirap na mga bansa. Bilang kanilang solusyon, itinuturo ng Romano Katoliko ang pamamahagi ng mga pagkain at kalakal sa mga kapos-palad sa ilalim ng pagkontrol ng mga pari ng Romano Katoliko.
Ano man ang uri ng ari-arian, ayon sa iba’t-iba at nagbabagong kalagayan ng tao, dapat na bigyan ng pansin kung saan napupunta ang mga kalakal na ito dito sa lupa. Ang mga pari at doctor sa Iglesia ng Roma ay naniniwala na dapat na turuan ang mga tao na tumulong sa mga mahihirap, hindi lamang kapag may sobra sa kanilang pangangailangan. “Kung ang isa ay naghihikahos, mayroon siyang karapatan na gumawa ng paraan na mapunan ang kanyang pangangailangan mula sa kayamanan ng iba.”(9).
Habang ang maka-masang prinsipyong ito ay tinatanggap ng ibat-ibang nasyon, mas lumalaki ang pakinabang ng mga mahihirap, lalo na ng isang bilyong Katoliko sa buong mundo. Ang doktrinang ito na may karapatan ang tao sa lahat ng mga kalakal base sa pangangailangan ay ipinanukala ni Benedict XVI noong siya ay naging Papa. Ayon sa kanya, pangunahing gawain ng isang bansa ay ang masigurado na ang bawat mamamayan ay may kabahagi sa mga kalakal ng kanyang komunidad. Ito ang kanyang pahayag: “Tunay na ang paghahangad ng hustisya ay dapat na isang pamantayan sa isang bansa, at ang layunin ng isang makatarungang pamunuan ay siguraduhin na ang bawat mamamayan ay may kabahagi sa mga kalakal ng komunidad.” (10).
Ipina-abot ni Pope Francis ang mensahe ng pamamahagi ng yaman sa ilalim ng Iglesia Romano sa kanyang pahayag na “Laudato Si”. Sa pahayag na ito, umapila si Francis sa mga tao na magbayad ng kanilang kasalanan sa mundo (Mother Earth). Nananawagan si Pope Francis sa lahat ng mga tao na magpa-ilalim sa bagong batas ng ekonomiya sa mundo na nagsusulong ng hustisya at sinusuportahan ng Iglesia ng Romano Katoliko (11).
Liberation Theology (Ang teolohiyang nagpapalaya sa kahirapan.)
Ang Liberation Theology ay isa pang imbensyon ng Vatican. Pinagsanib nito ang katuruan ni Marx at ang turo ng Romano Katoliko. Para sa kanila, ang “kaligtasan” ng tao ay makikita sa pag-aangat ng kalagayan ng mahihirap sa anumang paraan. Bagamat pinagdududahan ni Pope Francis at Pope Benedict XVI ang ibang katuruan ni Marx, nagkakasundo naman sila sa layunin ng katarungang para sa mga kapus-palad. (12)
Maraming mga tao na nasa loob ng Iglesia ng Romano Katoliko ay sumusuporta sa Liberation theology, kahit humantong sa isang rebolusyon. Bilang isang pari, si Richard Benneth (ang pangunahing author ng artikulong ito na dating Peter Bennet sa kanyang Dominican na pangalan) ay nakita ang nakasisirang epekto ng Liberation Theology noong siya ay nakatira pa sa Trinidad, West Indies. (13). “Sa aking unang parokya sa Mayaro, sa Trinidad West Indies, nakita ko ang mga nagtatrabahong mga babae na nangunguha ng niyog upang ipagbili sa kaunting dolyar. Ayon sa kanila, ang kanilang kalagayan ay mas mahirap pa kumpara sa kanilang mga ninuno na mga alipin noon. Kapos ang kanilang pera upang ipambili ng kanilang pagkain.”
Binabasa ko rin noon ang sikat na aklat ni Jose Miranda na may pamagat na, Marx and the Bible, kung saan nakasulat ang malalang kasalanan ng mayayaman sa mga mahihirap. Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng pag-uusig sa mga mahihirap, kung kayat nagdesisyon ako na kumilos para sa kanilang kapakanan. Nangaral ako laban sa mga mayayaman upang magbayad sila ng tamang suweldo. Ito ang aking pamanhik sa kanila, “Ganitong pag-aayuno ang gusto kong gawin ninyo: Palayain ninyo ang mga di-makatarungang ipinabilanggo; kalagin ninyo ang tanikala ng inyong mga inalipin. Palayain ninyo ang mga inaapi, at baliin ang mga pamatok ng mga alipin, Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin, ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit. At sa mga nangangailangang mga kamag-anak ay huwag kayong magkakait.” (Isaias 58:6-7)
Sinuportahan ko rin ang kilusang “Black Power” sa Trinidad na naglalayon na patalsikin ang gobyerno ng Trinidad. Bagamat hindi ito nangyari, lagi akong may takot laban sa pag-atake ng mga grupo ng kabataan na nagtatapon ng nagliliyab na alkitran sa mga bahay tuwing gabi. Kahit na ang automative trade school na aking itinatag sa maliit na bayan ng Mefeking ay napilitang isara dahil sa kaguluhan. Ang aking sigasig na palayain ang mga kapus-palad ay nanatili. Aking binisita ang isla ng Grenada kung saan ang mahihirap daw ay sinasabing “pinalaya” ng bagong gobyerno. Subalit ang bagong diktador na si Maurice Bishop ay mapang-api rin katulad ng kanyang kasamang Marxist na si Fidel Castro. Sa aking kabiguan, nakita ko ang pag-uusig sa mga mahihirap sa Grenada. Silang dapat na lumaya sa kahirapan ay nananatiling kapos-palad. Hindi nagtagal, aking itinakwil ang katuruan ng Liberation Theology.
Hindi nabibigyang solusyon ng Liberation Theology ang kahirapan ng tao, kundi nagiging alipin sila ng Katolismo. Ang Ebanghelyo ni Hesu-Kristo lamang ang makapagpapalaya sa tao, mahirap man o mayaman mula sa kanilang tunay na kaaway – kasalanan at walang hanggang kaparusahan. Gaya ng ipinahayag ng Panginoon, “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32).
Si Kristo lamang, ayon sa Kanyang biyaya ang bumili ng kalayaan ng lahat ng tunay na mananampalataya. Siya lamang ang may awtoridad at kapangyarihan na magpalaya mula sa kasalanan. Ang Krus at ang Pagkabuhay Na Mag-muli ang pumawi ng kasalanan ng isang tao na nagtiwala lamang kay Kristo at sa Kanyang tinapos na gawa sa Krus. Sa kanyang lugar, si Kristo-Hesus ang sumagot sa lahat ng pamantayan ng Banal na Dios para mabayaran ang kasalanan. Kay Kristo, siya ay napatawad at napawalang-sala
Pangwakas
Ang tatlong mapanganib na bitag ng Katolisismo ay nakapangingilabot. Maraming walang saysay na pangako ang Iglesia Romanao sa larangan ng edukasyon, ecumenism at ekonomiya. Nangangako ito ng kalayaan sa mundo kung susunod sa kanyang mga panuntunan. Huwag tayong palinlang, kundi ating isiwalat ang mga walang- kabuluhang pangako ng mapanlinlang na Iglesia ng Roma. Ang pwersa ng masama, kasama ang impluwensya ng Iglesia Katoliko ay makapangyarihan. Subalit ang Panginoong Hesu-Kristo lamang ang makapangyarihan sa lahat.
Ang Biblia na Salita ng Dios ang tanging hindi nagkakamaling awtoridad laban sa hidwang tradisyon ng Romano Katoliko at mga sakramento na hindi maaring magdulot ng kabanalan. Opisyal na ipinahayag ng Iglesia ng Romano Katoliko ang ganito: “Tinitindigan ng Iglesia sa Roma na para sa mga mananampalataya ang mga sakramento ay kailangan para sa kaligtasan.” Ang “sakramento ng biyaya” ay ang biyaya ng Banal na Espiritu na ibinigay ni Kristo at nararapat para sa bawat sakramento. (16). Opisyal na itinuturo ng Romano Katoliko na ang mga paulit-ulit na sakramento ay kailangan para sa kaligtasan.
Malinaw sa Banal na Kasulatan na likas sa tao ang pagiging makasalanan. “Noong una’y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.” (Efeso 2:1), at namumuhay ng laban sa kalooban ng Banal na Dios. Kaya tayo ay nahulog sa sumpa ng Kautusan. Subalit ang pagmamahal ng ating Ama sa Langit, na naiparating sa pamamagitan ng ebanghelyo ng biyaya ay sumagip sa mga tunay na mananampalataya upang sila ay maligtas sa nag-aapoy na galit ng Dios. Sa pamamagitan ng pagkabagabag sa kasalanan, na inilagay sa puso ng Banal na Espiritu, sila ay inilapit sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang kaligtasang ito ay nakabase sa kamatayan at pagkabuhay ni Kristo at ayon lamang sa biyaya ng Dios. Para sa kaligtasan at buhay na walang-hanggan, manampalataya lamang tayo kay Kristo bilang ating Panginoon at Tagapagligtas . “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang maipagmamalaki ang sinuman” (Efeso 2:8-9). Minamahal na Katoliko, ipanalangin mo na ang Efeso 2:8-9 ay maging totoo sa iyo para sa iyong kaligtasan. “
Sana ay maka tanggap kami ng balita mula sa iyo. Maraming salamat!
Ang dakilang biyaya ng kaligtasan, sana ay magbunsod upang magkaroon tayo ng mas malalim na pasasalamat at ating sabihin “Sapagka’t kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.” (Roma 11:36).
Ang pahintulot ay ibinibigay upang ibahagi ang kopya ng artikulong ito.
Ang aming website ay https://www.bereanbeacon.org
Kung mayroon kayong komento o opinyon tungkol sa artikulong ito, maari kayong sumulat sa akin, Richard. rbennett@bereanbeacon.org or kay Stuart sa doulos@bereanbaecon.org
[1] See our article with further detail on https://bereanbeacon.org/the-heritage-of-the-reformation-for-the-present-time/
[2] Read particularly these links: https://bereanbeacon.org/catholic-mysticism-infused-into-society/ and https://bereanbeacon.org/pope-francis-master-of-jesuit-spiritual-exercises/ .
[3] Kevin O’Brien, S.J., “The Spiritual Exercises as a Foundation for Jesuit Education”, Conversations on Jesuit Higher Education, January 1, 2015, on http://www.conversationsmagazine.org/web-features/2015/12/27/the-spiritual-exercises-as-a-foundation-for-jesuit-education accessed December 23, 2018.
[4] Idem.
[5] Secretariat for the Promotion of the Unity of Christians, “Reflections and Suggestions Concerning Ecumenical Dialogue”, II, 2, d, on http://www.vatican.va/roman_curia/pontifical_councils/chrstuni/information_service/pdf/information_service_12_en.pdf accessed on December 23, 2018. Authors’ emphasis.
[6]Pia de Solenni, “In Orange County, bishop and pastor model Catholic/Evangelical ties”, Crux, September 14, 2007 on https://cruxnow.com/interviews/2017/09/14/orange-county-bishop-pastor-model-catholicevangelical-ties/ accessed on December 23, 2018.
[7] Mark Woods, “Rick Warren on Roman Catholicism: ‘We have more in common than what divides us’”, Christian Today, Friday, 5 December 2014 on https://www.christiantoday.com/article/rick-warren-on-roman-catholicism-we-have-more-in-common-than-what-divides-us/43942.htm
[8] Catechism of the Catholic Church, IV. How can we speak about God?, Para. 39 on http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p1s1c1.htm accessed on December 22, 2018.
[9] Vatican II Documents No. 64, “Gaudium et Spes”, Para 69 on http://www.vatican.va/archive/hist_councils/ii_vatican_council/documents/vat-ii_const_19651207_gaudium-et-spes_en.html accessed on December 22, 2018. Authors’ emphasis.
[10] Pope Benedict XVI, DEUS CARITAS EST, Section 26 on http://w2.vatican.va/content/benedict-xvi/en/encyclicals/documents/hf_ben-xvi_enc_20051225_deus-caritas-est.html accessed on December 25, 2018.
[11] See https://bereanbeacon.org/pope-francis-the-fox/ accessed on December 25, 2018.
[12] Junno Arocho Esteves, “Pope Francis praises founder of liberation theology”, Catholic Herald, June 11, 2018 on https://catholicherald.co.uk/news/2018/06/11/pope-francis-praises-founder-of-liberation-theology/ accessed on December 25, 2018.
[13]See https://bereanbeacon.org/liberation-theology-infused-in-western-thinking/ accessed on December 25, 2018.
[14] Isaiah 58:6-7
[15] John 8:32
[16] Catechism of the Catholic Church, Para 1129. Author’s emphasis. See http://www.vatican.va/archive/ENG0015/_INDEX.HTM accessed on December 18, 2017.
[17] Ephesians 2:1
[18] Ephesians 2:8, 9
[19] Romans 11:36