Sekreto Ng Katuwaan ng Kaluluwa

0

 

 “Ngunit silang naghihintay sa Panginoon ay magpapanibagong lakas, sila’y paiilanlang na may mga pakpak na parang mga agila, sila’y tatakbo na hindi mapapagod, sila’y lalakad at hindi manghihina.”  Isaias 40:31

Nais ba natin ng hindi natatapos na katuwaan ng kaluluwa kahit may pagsubok at pagdurusa? Ito ay posible kung may matibay na pananampalataya. Kaya palakasin natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mungkahing ito:

Maglakad ng dalawa o tatlong beses papuntang Bundok ng Tabor, o sa isang tagong lugar upang magbulay-bulay at manalangin. Bisitahin ang taniman ni Isaac at katulad niya ay magbulay-bulay ng Salita ng Dios. Pumunta sa silid ni David at ganito rin ang gawin. Sa mga lugar na ito, gisingin natin ang ating kaluluwa upang kausapin si Hesus. Ating alalahanin ang Kanyang mga dakilang pangako at mga pagpapalang ispiritwal at materyal na ating tinatanggap. Pag-isipan natin ng malalim at nannamin ang tamis ng mga ito sa ating kaluluwa. Ating bigyan ng malaking pahalaga na binayaran ni Hesus ang ating mga utang at dahil sa Kanya ay napawi ang galit ng Dios sa atin.

Pasalamatan natin ang ating ligtas na kalagayan. Wala na tayong kinatatakutang impiyerno, bagamat tayo ay karapat-dapat doon. Huwag tayong umalis sa Bundok ng Tabor hanggat hindi nag-iinit ang ating puso sa pasasalamat at kagalakan sa Dios. Sa puntong ito ay ating maramdaman at masasabi, “mabuting naririto ako, mabuting pumunta sa lugar na ito sa bawat araw.”

Ang ating katawan ay lumalakas sa pag-eehersisyo. Gayon din, ang pananampalataya ay lumalakas kung ito ay pinupukaw at ginagamit. Kaya’t maging masipag tayo na palaguin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay ng Salita ng Dios, at pakikipag-usap lagi sa Dios. Dito ay may dagliang pakinabang na katuwaan at kapayapaan sa ating kaluluwa.

 

Mula sa “Sermons” ni Samuel Wards.

 

 

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top