Sa Ano Mang Kalagayan
0Ang pagtingin natin sa mabibigat na pagsubok ay mag-iiba kung isipin natin na inilagay tayo dito ng Dios at mayroon Siyang magandang dahilan na Siya lamang ang nakaka-alam. Dumating si Russel at Darlene Deibler sa New Guinea noong kanilang 1st wedding anniversary upang maglinggkod bilang misyonaryo. Nang sakupin ng Japan ang East Indies, si Russell ay itinuring na kaaway ng lipunan at pinahirapan sa isang concentration camp, kung saan siya ay namatay. Si Darlene ay ikinulong at naghihintay na ipapatay rin.
Sa kulungan ay naalala ni Darlene ang isang awit sa Sunday School: “Huwag kang matakot, maliit na tupa, Ang Dios ay pumapasok sa lahat ng silid. Hindi nagpapabaya, hindi umaalis. Kaya’t presensya N’ya ay asahan sa dilim o araw man.”.Ang paalala ng awit na ito ang nagpalakas kay Darlene at pumayapa sa kanyang kaluluwa. Sa biyaya ng Dios, napalaya si Darlene at nakaligtas sa marami pang pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Ang tiwala niya sa Dios ang nagbigay lakas sa kanya.
Maraming mananampalataya ang nakaranas ng matinding pagsubok. Si Hagar at Ismael ay pinalayas at halos mamatay sa uhaw doon sa disyerto; Si Joseph ay ibinenta bilang alipin sa Ehipto; Ang mga disipulo ay naglayag sa dagat ng Galilea at humarap sa malakas na bagyo at alon.
Hindi dapat panghinaan ng loob tayong mga kristiano kung sa paghanap ng kalooban ng Dios ay napapalagay tayo sa masakit, nakakatakot at mahihirap na sitwasyon. Ang mga Israelita ay napalagay sa sitwasyon na lahat ng pupuntahan ay panganib. Nasa likuran nila ang mga tumutugis na sundalong Ehipto; nasa unahan naman nila ay ang Dagat na Pula. Ngunit inilagay sila ng Dios sa lugar na iyon upang ipapamalas ang makapangyarihan Niyang pag-liligtas. Hinati ng Dios ang Dagat na Pula at tumawid ang mga Israelita sa tuyong lupa, at ang tubig ng dagat ay parang naging pader na tubig sa kanan at sa kaliwa. (Exodo 14:22)
Maaring tayo ay tumatahak sa sarili nating “Dagat na Pula. Isipin lamang natin na ang Dios ay naglagay sa atin dito at mayroon Siyang magandang pakay para sa ikabubuti ng ating kaluluwa. Siya rin naman ang magbibigay ng biyaya upang mapagtagumpayan natin ito. Kailangan lamang natin ay ang magtiwala sa Kanya.
Walang pagkakamali ang plano ng Dios. Ginawa ni Hesus ang lahat ng bagay na maganda. Ang sabi ni A.W. Tower, “ Sa anak ng Dios, walang aksidente. Ang tinatahak niya ay ang isang itinalagang daan.”
Mula sa The Red Sea Rule ni Robert J. Morgan. W Publishing Group. 2001