Pagbibigay Halaga sa Dios sa Oras ng Pagsamba (1)

0

 

SAM_0572

Isa sa nakalulungkot kong karanasan ay ang aking ikasampung kaarawan. Maaga pa ay ipinamigay na ang imbitasyon sa aking 8 kaibigan. Alam kong magiging napakasaya ang aking kaarawan. Nang araw na iyon, pagkatapos ng klase, pumunta sila lahat sa aming bahay. Ang aking ama ay nag-ihaw ng hot dog at hamburger, habang ang aking ana ay abala sa pag-aayos ng aking birthday cake. Pagkatapos naming maubos ang ice cream at malaking bahagi ng cake, oras na upang buksan ang regalo, pero hindi ko maalala na mayroon silang regalo. Pero hindi mahalaga ang regalo. Mas gusto ko na kasama sila dahil wala akong kapatid na lalaki. Pero may regalo ako sa kanila, at kinasasabikan ko ito. Bibilihan ko sila ng ticket para sa football game at sama-sama kaming manonood. Masaya kami habang bumababa sa aming station wagon at patakbong pumunta sa bilihan ng ticket. Iniisip ko ang masayang panood habang ako ay nagbabayad ng 9 na ticket.

Ngunit bilang nasira ang aking gabi – at ang aking kaarawan. Nang nakapasok na kami sa gym, nawala na ang aking 8 kaibigan. Wala akong narinig na pasalamat sa katuwaan, sa pag-kain at sa ticket. Ni wala ring bumati ng “Happy Birthday”. Walang paalam na ako ay iniwan. Sa buong gabi, mag-isa akong nanood ng palaro.

Aking isinalaysay ang aking karanasan hindi upang magpa-awa, kundi dahil sa iniisip ko na ganito kalimitan ang ating tingin sa pag-samba. Dumadalo tayo sa isang pagtitipon na ang Dios ang Guest of Honor, pero maaring hindi natin siya bigyan ng pagpapahalaga. Maaring may dala tayong regalo, pero iniisip natin na ito ay kailangan, hindi dahil nais nating maghandog. Uma-awit tayo subalit walang init. Mas natutuwa tayo sa ibang bagay na naroron sa Iglesia hindi sa Dios. At katulad ng aking mga kaibigan, maaring hindi natin ito maisip, dahil kumbinsido tayo na nagagawa natin ang ating tungkulin.

Pinahalagahan ni Hesus ang utos sa Lumang Tipan “Sambahin mo ang Panginoon mong Dios” (Mateo 4:10). Ito ay katungkulan at pribelehiyo ng bawat nilikha. “ O, Parito kayo, tayo’y sumamba at yumukod; tayo’y lumuhod sa harapan ng Panginoon, ang ating Manlilikha!” Inaasahan ng Dios ang ating karampatang pagsamba. Ganun pa man, maari sumasamba tayo subalit walang-kabuluhan. (Mateo 15: 8-9) Kailangang matutunan ang mga disiplina para sa tamang pagsamba, at katulad ni Hesus ay makapagbigay tayo ng karampatang pagsamba.

Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 79-80

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top