Personal at Linguhang Pagsamba

0
IMG_4577[1]

Ang unang pagsasanay sa disiplina ng pagsamba ay ang katapatan sa pagsamba kasama ng Iglesia. (Hebreo 10:25). Ang Kristianismo ay hindi pang-isahang relihiyon . Ito ay inihambing sa katawan (I Corinto 12:12), sa isang gusali (Efeso 2:21) at sambahayan (Efeso 2:19). Ang pagsamba ay ang pagsasama-sama at pisikal na presensya ng bawat isa. Ang panonood ng worship services sa TV o pakikinig ng sermon sa radio ay hindi maituturing na pagsamba. Makaka-tulong ito sa ispiritwal na paglago,(kung tama ang doktrina) subalit hindi ito dapat ipalit sa Linguhang pagsamba kasama ng kapatiran sa Iglesia.
Maging ang personal devotion ay hindi maaring ipalit sa Sunday Worship, at ang pagdalo sa Sunday Worship ay hindi rin maipapalit sa personal devotion. Ang Dios ay nangungusap sa atin sa pag-ganap ng parehong gawain. Si Hesus ay matapat na suma-samba tuwing araw ng Sabbath at itinakdang gawain ng Iglesia at malimit din Siyang lumalayo sa karamihan upang manalangin (Lukas 5:16).

Ang ating pang-araw-araw na devotion o Quite Time ay preparasyon sa Sunday Worship. Kung hindi tayo seryoso sa ating personal devotion, hindi tayo lubusang makikinabang sa Sunday Worship. Ayon kay Geoffrey Thomas, Walang pinagpalang pagsamba kung hindi tapat sa kanilang personal devotion sa bawat araw.
Inaasahan ng Dios ang ating paglapit sa Kanya araw araw upang tayo ay Kanyang pagpalain. Malaki ang nawawala sa ating katuwaan kung hindi maayos ang ating private devotion at prayer. Ang prebilihiyo na lumapit sa Dios araw-araw na walang limitasyon ay ang pinaka-malaking pagpapala na maaari nating matanggap. Kahit anong oras ay maari tayong lumapit at makipag-usap sa Dios. Sa bawat araw ay makakahingi tayo sa Dios ng kalakasan, patnubay at lahat pang biyaya. At ito rin ay paghahanda sa lingguhang pagsamba. Magsikap tayo na maging maayos ang ating personal na pagsamba, at tayo ay lubos na makikinabang sa ating panglinguhang pagsamba.

Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 86-88.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top