Pasasalamat
0“Nang ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pare sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, mga anak ni Asaf na may mga pompiyang upang magpuri sa Panginoon ayon sa mga tagubilin ni David na hari sa Israel. At sila’y nagawitan sa isa’t isa na pinupuri at pinapasalamatan ang “Sapagka’t siya’y mabuti, sapagka’t ang Kanyang tapat nap ag-ibig ay magpakaylanman sa Israel. At ang buong bayan ay sumigaw ng malakas, nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagka’t ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na. Ngunit marami sa mga pari at Levita at sa mga puno ng sambahayan na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo ang umiyak ng malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman, marami ang sumigaw ng malakas dahil sa kagalakan. (Ezra 3:10-11)
Gayon na lamang ang pasasalamat ng mga Israelita ng mailagay ang pundasyon ng templo ng Panginoon. Ang mga pari at Levita ay nagsi-awit upang papurihan ang Dios sa Kanyang kabutihan at walang hanggang awa. Sa anumang kalagayan Siya ay mabuti, at dapat papurihan, kahit pa man sila ay bihag sa sariling bayan.
Nabagbag ang kalooban ng mga Israelita. Iba’t-ibang emosyon ang naipamalas na nagpapakita ng lungkot at kagalakan. Ang mga taong walang nakamulatang templo ay nagpuri ng sigaw ng katuwan nang makita nila na nailagay na ang pundasyon ng templo. Kahit pundasyon pa lamang ay malaking bagay sa kanilang uhaw na kaluluwa. Ito ay matamis sa kanilang ispiritu.
Subalit may matatanda, na mga Levita at saserdote ang tumangis nang makita nila na malayo ang ganda ng templong ito sa templo na itinayo ni Solomon, na sinunog ng kaaway mga 52 taon na ang nakalilipas. Ang pagtangis na ito ay mabuti kung ito ay dala ng lungkot dahil sa kasalanan na nagdala ng pagkawasak. Ngunit kung ang pagtangis na ito ay kawalan ng pagpapahalaga at pagpapasalamat sa Dios na nagbigay nito, ito ay hindi marapat.
Ang pag-kauhaw ng mga Israelita kay Jehovah ang nagtulak sa kanila upang magtayo ng templo sa kanilang kalagitnaan. Ang Iglesia na nag-uugat sa ispiritwal na pagkauhaw ay isang tunay na Ispiritwal na tahanan. Ang kalooban ng bawat nagtatayo ay handog kay Jehovah. Tatanggapin Niya ang kanilang mga gawa dahil ito ay bunga ng pag-kakaisa, ang kanilang pagsunod ay hindi sapilitan, ang kanilang pag-sasakripisyo ay buong puso. Ito ang mga sangkap na katanggap-tanggap na sakripisyo kay Jehovah.
Mula sa Commentary ni Matthew Henry at Monday Club Sermons ng Biblical Illustrator sa E-sword.