Pananggalang laban sa kaaway
0Kalimitang paraan ng Demonyo upang mabitag ang isang Kristiano sa kasalanan ay ang pagpapababaw nito. Sasabihin niya, “maliit na kapalaluan lamang, maliit na karumihan, kaunting pagka lango sa alak, kaunting lapit sa kamunduhan.” Akala natin ay hindi mapapahamak ang ating kaluluwa sa kaunting kasalanan, subalit tayo ay nagkakamali. Isang matibay na pananggalang sa kaaway ay ang makita natin kung ano ang kalikasan ng kasalanan.
- Ang iniisip nating maliit na kasalanan ang nagdala ng pinakamatinding poot ng Dios. Ang pag-kagat ng masanas, ang pamumulot ng sanga sa araw ng Sabbath, ang paghipo sa Arko ng Tipan, hindi ba ang lahat ng ito, sa tingin ay maliit subalit nagdulot ng kamatayan? Ang “maliit”na kasalanan ay paglabag sa kautusan ng Dios, taliwas sa kalikasan, persona at kalualhatian ng Dios kayat matindi ang parusa ng Dios. Sa bawat araw,hindi ba natin nakikita ang pagpaparusa ng Dios sa mga tao na nagpalagay na ang kanilang kasalanan ay maliit lamang? Totoo na kung hindi tayo iniwan ng Dios at binulag ni Satanas, malinaw natin itong makikita. Kaya’t kung ibulong sa atin ni Satanas na maliit lamang ang ating kasalanan, ating sabihin kay Satanas, “ang mga kasalanan na sinabi mong maliit ang siyang nagpaulan ng apoy mula sa langit sa mga makasalanan katulad ng Kanyang ginawa sa mga taga Sodom.”
- Ang iniisip nating maliit na kasalanan ay magdadala sa pag-gawa ng malalaking kasalanan. Walang kapangyarihan ang tao laban sa kasalanan, kaya’t sa pagpapaunlak sa maliit na kasalanan, ating itinutulak ang sarili sa mas malaking kasalanan. Ang kasalanan ay parang tubig na sumisiksik sa kahit pinakamaliit na lagusan. Ang pakay nito ay palibutan ang kaluluwa ng paunti-unti hanggang sa lumubog ang kaluluwa sa kasalanan. Si David ay nagpadala sa kanyang makasalanang mata at ito ang nagdala sa kanya sa kadiliman ng kanyang kaluluwa. Tutuksuhin tayo ni Satanas na maupo kasama ng mga maglalasing, uminom kasama nila, hanggang tayo ay malasing. Kapag tayo ay tinukso ni Satanas sa ating isipan (at hindi natin ito napaglabanan) natutukso tayo na magkaroon ng masamang tingin na nagdadala ng maduming pananalita, at masamang pagkilos. Ito ang nangyari kay Gehazi, Achan at Hudas.
Ayon kay Augustine, kung ating itatwa na ang Dios ang gumawa ng langaw, atin ding itinatatwa na ang Dios na gumawa ng tao, at ang Dios na gumawa ng lahat ng bagay.
Kapag ang isang tao ay nagsimulang magkasala, hindi niya alam kung paano ito patitigilin. Kalilimitan ang kasalanan ay patindi ng patindi hanggang ito ay mahinog sa walang hanggang kapahamakan.
Mula sa aklat na Precious Remedies Against Satan’s Devices. Thomas Brooks. Puritan Paperbacks.