Pagsusuri ng Ating Pagka-Kristiano
0Hindi ka dapat maging kampante sa iyong ispiritwal na kalagayan. Dapat na maging sigurado ka sapagkat ang kahulugan nito ay buhay na walang hanggan o kamatayan.
Una, tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang puwang ng Kristianismo sa iyong puso. Hindi sapat ang iyong kaalaman, pagpapahayag ng labi o maging ang iyong pakiramdam. Ang totoong Kristianismo ay naghahari sa puso at nagbibigay ng direksyon sa iyong pagmamahal, kalooban, pagpili at pagdedesisyon sa buhay.
Ikalawa. Tanungin mo kung ano ang tingin mo sa kasalanan. Kung ikaw ay pinaghaharian ng Banal na Ispiritu, nakikita mo ang kasalanan na kasuklam-suklam sa mata ng Dios at ang gumagawa nito ay nagpapailalim sa poot ng Dios. Tinitingnan mo ito na siyang ugat ng lahat na kasiraan at kalungkutan sa mundo. Higit pa rito, ito ang magdadala sa iyo sa impiyerno maliban kung ikaw ay pinalaya sa kamandag nito ni Kristo.
Ikatlo. Ano ang pananaw mo kay Kristo? Ang tunay na Kristiano ay nagbibigay luwalhati kay Kristo bilang Tagapagligtas, Punong-pari at Kaibigan. Nagtitiwala ka, nagmamahal at nagagalak sa Kanya. Sa Kanya ka rin kumukuha ng kaginhawahan bilang iyong Tagapamagitan. Itinuturing mo Siya ang iyong pagkain, liwanag, buhay at kapayapaan.
Ika-apat. Anong bunga ng Kristianismo ang nasa iyong puso at buhay? Ang tunay na Kristianismo ay may bunga ng pagsisisi, pananampalataya, pag-asa, pagmamahal, kababaan ng loob, pagiging maka-dios, kabaitan, pag-tanggi sa sarili, pagpapatawad, kahinahunan, tapat sa salita at may pagpapasensya. Ang antas nito ay nag-iiba-iba sa bawat Kristiano subalit ang ugat ng mga katangiang ito ay naroroon sa tunay na mananampalataya.
Panghuli. Ano ang ginagawa mo sa mga daan ng biyaya. Ang Sabbath ba ay nagiging kaaliwan sa iyo? Nasasalamin mo ba dito ang langit na darating? Kumusta nag iyong pagsamba, ang pananalangin kasama ng Iglesia, ang pakikinig ng Knayang Salita at ang pakikisama sa Huling Hapunan? Mahalaga ba ito sa iyo? Kumusta ang iyong pagbabasa ng Biblia at pananalangin? Ang mga ito ba ay importanteng bahagi ng iyong buhay? Nagbibigay ba ito ng kaginhawahan, o parang nakakapagod para sa iyo? Kung hindi mo tinitingnan na ang mga ito na matinding pangangailangan katulad ng pagkain at pag-inom, mabuting pagdudahan mo ang iyong pagkakristiano?
Walking with God by J.C. Ryle. Grace Publication Trust. Pp 26-27