Pag-aaral Tungo sa Kabanalan (2)

0
IMG_5251

Maling isipin na habang ang tao ay tumatanda ay nagiging marunong. Sinasabi sa Job 32:9 “ Hindi ang dakila ang siyang pantas, ni ang matanda man ang siyang nakakaunawa ng kahatulan.” Ang karanasan at edad ay hindi magdadala sa tunay na karunungan. Ang maging kawangis ni Hesus ay hindi nahuhubog sa paglipas ng bawat kaarawan. Sinasabi sa I Timoteo 4:7, na kailangan ang disiplina at pagsasanay para sa karunungan na siyang magdadala sa kabanalan.

Maaring madagdagan ang kaalaman kahit walang pagkukusa sa pag-aaral dahil kahit hindi pinag-uukulan ng panahon ay may naririnig na pagpapaliwanag ng Salita ng Dios. Subalit ang panaka-nakang pakikinig ay hindi nagdadala sa karunungan tungo sa banalan. Ang kailangan dito ay ay pagsisikap at tahasang pagnanais na matuto ng mga katuruan ng Dios.

Subalit mahirap magkusa na mag-aral ng mga bagay tungkol sa Dios, dahil natural na ayaw ito ng tao. Mas madali ang manood ng telebisyon dahil ito mismo ang nagdedesisyon kung ano ang ipapalabas, ito rin ang nagsasalita, hindi na rin mag-iisip dahil malinaw na nakikita ang kaganapan sa istorya, pati na rin ang impluwensya nito sa ating mga buhay. Malaking hirap ang magbasa lalo pa’t ispiritwal na aklat.Mahirap pumili ng aklat na babasahin, mahirap magbasa, mag-isip at mag-lapat ng ating nabasa sa ating mga buhay. Kaya kailangan dito ng disiplina.
Ang mga kabataan ay mas maraming alam sa mga bagay sa sanlibutan kaysa mga bagay tungkol sa Dios. Kilala nila ang magagaling na manlalaro, subalit hindi si Hesus na nagwagi sa kasalanan sa Krus. Ang bilis ng kanilang daliri sa cellphone at computer, subalit nangangapa sa paghanap ng mga aklat sa Biblia. Marami nga ang hindi alam ang Biblia.

Ang mga kabataan ngayon ay walang hilig sa pagbabasa dahil gayon din ang kanilang magulang. Tinitingnan kasi ng marami na ang pag-babasa ay walang direktang aplikasyon sa buhay. Kahit ang isang nanay o tatay ,sa libreng oras ay mas pipiliin ang gawaing may nakikitang pakinabang. Ito ang dahilan kung bakit mabagal ang paglago sa kaalaman. At dahil hindi bihasa sa pagbabasa, mahirap din sa kanila ang magbasa ng Biblia. Sa isang survey ng isang Evangelical Church, 15% lamang ang nagbabasa ng Biblia.

Hindi lamang bata, kundi pati ang mga nakakatanda ay naapektuhan din ng napapanood sa telebisyon at sine, at napapakinggan na musika. Naglalayo ito sa pagnanais na magbasa ng Salita ng Dios. Ang sabi sa I Corinto 14:20 “…Mga kapatid, sa pagiisip ay maging husto na sa gulang”. Mangyayari ito kung may pagsisikap na matuto ng katuruan ng Dios.

Isinalin sa Tagalog hango sa Spiritual Disciplines for the Christian Life. Donald S. Whitney. Navpress. Pp 219-220

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top