Paano magkakaroon ng Pinagpalang Pakikipagtagpo kay Hesus.
0“ Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway ng unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumaroon upang tingnan ang libingan.” Mateo 28:1; Lukas 16:1; Marcos 16:1; Juan 20:1
Matuto tayo sa mga babaeng dumalaw sa libingan ni Hesus upang magkaroon ng pinagpalang pakikipagtagpo sa Tagapagligtas.
Una, Mayroon silang pananabik at pagkauhaw na makita ang Panginoon at paglingkuran Siya. Dala ang pabangong kanilang inihanda, nagpunta sila sa libingan, madaling-araw pa lamang ng araw. Kung wala tayong ganitong paghahanda at pagnanais, na matagpuan at mapaglingkuran si Hesus, hindi natin Siya masusumpungang.
Ikalawa. Makikita ang kanilang tapang. Ang mga disipulo ay nagsitakas dahil sila ay nanginig at nasindak ng dakpin si Hesus, subalit ang mga babae ay buong tapang na nagtungo sa libingan. Upang masumpungan natin si Hesus, dapat natin Siyang hanapin ng may sigasig at tapang. Hindi tayo dapat napipigilan ng ano pa mang bagay.
Ikatlo. Masdan ang katapatan ng mga babaeng ito. Habang ang iba ay nagsilayo na, sila ay nanatili kasama ng Panginoon. Marami ang lumisan kahit nang nabubuhay pa ang pinag-uusig na Tagapagligtas, subalit hindi nila inisip ang kanilang delikadong kalagayan sa kamay ng mga kaaway.
Ikaapat. Hinanap nila ang Panginoon ng buong pag-ibig. Kung ninanais natin nag presensya ng Panginoon, naroon ang pag-aalab ng ating pagmamahal sa Kanya. Nais natin siyang masumpungan, at nais natin siyang paglingkuran. Kung ito ang laman ng ating mga puso, tiyak na maririnig natin ang Kanyang tinig.
Ikalima. Ang Tagapagligtas lamang kanilang hinanap. Hindi nila ninais na makita ang mga anghel. Ang kanilang atensyon ay nakatuon lamang kay Hesus. Kung si Kristo lamang ang ating isang pag-ibig, hindi Siya lalayo sa atin, lagi natin Siyang makakasama.
Sikapin natin na magkaroon din tayo ng ganitong pag-mamahal sa ating Tagapagligtas. Mapuspos sana ng presensya ng Panginoong Hesus ang ating mga puso. Ang dapat nating dalangin, “ O Panginoon, magpahayag ka sa amin ngayon.”
Hango sa Morning and Evening Meditations ni Charles Spurgeon.