Paano Labanan ang Kasalanan

0

Photo courtesy of Gideon Lasco

Mapandaya, mabangis at masigasig ang kasalanan. Subalit binigyan tayo ng Dios ng matibay na sandata upang magtagumpay laban sa kasalanan.  Malaki ang maitutulong ng mga sumusunod ayon:

1. Magkaroon ng disposisyon na nakatuon lamang sa Diyos. Ito ay ang pagtatalaga ng sarili na sumunod sa lahat ng utos ng Diyos. “Ang aking puso ay tapat, O Diyos…” (Awit 57:7). Ang pagsunod sa lahat ng utos ay kailangan. Ito ang mag-lalayo sa atin sa kahihiyan “ Kung gayo’y hindi ako mapapahiya, yamang itinuon ko sa lahat ng Iyong mga utos ang aking mga mata.” (Awit 119:6)

2. Magsikap na mapigilan ang pag-uumpisa ng kasalanan.
Panalangin ang kailangan at alertong pagmamatyag sa tukso (I Pedro 4:7). Kung hindi masugpo kaagad ang kasalanan, ito ay mananatili at sisira sa atin. Pigilan na makipag-kasundo ang kaluluwa sa kasalanan katulad ng pag-saway ni Hesus kay Pedro “ Layuan mo ako, Satanas! Ikaw ay isang katitisuran sa akin; sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay ng Diyos, kundi ang mga bagay ng tao.” (Mateo 16:22-23). Ito rin ang dapat nating sabihin sa kasalanan.

3. Huwag pabayaang magtagumpay ang kasalanan.
Huwag paghinaan ng loob dahil sa pwersa ng kasalanan. Ayon sa Hebreo 6:11-12 “ upang kayo’y huwag maging tamad … kundi sa pamamagitan ng pananampalataya at pag-titiis ay nagmana ng mga pangako.” Maging masipag sa panalangin (Lukas 18:1); “Magalak kayo sa pag-asa, maging matitisin sa kapighatian, matiyaga sa panalangin”. (Roma 12:12); naghihintay sa Panginoon (Isaias 40:31).

4. Dapat na ikahiya natin ang kawalan ng gana sa pagsamba sa tunay na Dios. Kita natin ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay: ang liwanag, ang kapayapaan ng isip, ang kapahingahan ng ispiritu. Hindi ba lahat ng mabubuting bagay ay bigay ng Diyos sa atin? Isang kahihiyan kung wala tayong gana na mapalapit ang puso sa Dios gayong Siya ay mabuti sa atin.

5. Magsumikap na magalak sa mga bagay na ispiritwal. Kung hindi masiyahan ang tao sa pagsamba sa Diyos, maghahanap siya ng kapalit dito. Dapat nating makita ang Diyos na walang hanggang bukal ng kagandahan; si Kristo bilang tanging pag-asa ng lahat ng mga bansa; at ang Banal na Ispiritu na Siyang nag-papaganda ng ating mga kaluluwa. Kung pag-yayamanin natin ang ganitong kaisipan, hihina ang impluwensya ng kasalanan sa ating mga puso.

 

John Owen. Triumph Over Temptation: Pursuing a Life of Purity. Quezon City: Christian Growth Ministries. 2006.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top