Matagumpay na Buhay-Kristiano 

0

IMG_0500                                                       

Mataas ang pamantayan ng Dios sa pamumuhay ng bawa’t-kristiano.  Makikita ito sa tagubilin ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad sa Lukas 17:1-3. Inaasahan ni Hesus na ang Kanyang mga alagad ay  mamuhay ng walang kapintasan. Hindi sila dapat nag-iisip ng masama  at  maging dahilan upang ang iba ay magkasala o manghina sa pananampalataya . Dapat  silang maging mapagpatawad sa humihingi ng kapatawaran kahit pa magkasala sila ng 7 beses sa isang araw.

Mahalaga ang ganitong pamumuhay upang huwag madungisan ang patotoo ng Iglesia. Subalit mahirap maipamuhay ang mataas na pamantayan ng Dios. Kaya’t sinabi ng mga apostol kay Hesus “Dagdagan Mo ang pananampalataya namin.” (Lukas 17:4).

Alam ng mga alagad na hindi kayang maipamumuhay ang mataas na pamantayan ng Dios maliban sa pagkakaroon ng pananampalataya.  Ang sabi ni Hesus, “Kung mayroon kayong pananampalataya na kasinglaki ng isang binhi ng mustasa, masasabi ninyo sa puno ng sikomorong ito ‘mapunta ka at matanim a sa dagat’, susundin kayo nito.”

Isang magandang paghimok ito sa mga mananampalataya na ang ating tagumpay sa buhay-kristiano at sa anumang larangan na itinalaga ng Dios na gawin natin ay hindi nakabatay sa ating galing at kakayahan, kundi sa pagtitiwala at pag-asa lamang sa awa ng Dios. Tayo ay hindi karapat-dapat sa Kanyang pagkalinga at awa. Subalit Siya ay mabuti at nais Niyang bigyan tayo ng matagumpay na buhay. Pananampalataya ang kailangan upang maisabuhay ang mataas na pamantayan ng Dios. Ang Dios pa rin ang magbibigay nito. Kaya’t tayo ay manalangin “Panginoon, dagdagan Mo ang aming pananampalataya.”

Mula sa aklat ni Bryan Chapell (2001).  Holiness By Grace: Delighting in the Joy

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top