Mahalagang Oras ng Pagbubulay

0
SAM_0048

Ang tao ay  lubhang naging kaparte na ng mundo. Iniisip ng tao na mas mabuti kung laging abala dahil dito ay may pakinabang. Kahit ang mga Kristiano, ay nagkakaroon din ng ganitong kaisipan na dapat tayo ay laging abala sa iba’t-ibang gawain na may makikitang bunga. Kaya’t ang pamamahinga at pagbubulay-bulay sa ilalim ng puno ay tinitingnan na pag-aaksaya lamang ng oras.

Ang tao ay naging masyadong praktikal. Mas binibigyan ng malaking pansin ang  panglabas, at isinasantabi ang pangloob na kalagayan na siya namang mas mahalaga.

Hindi masosobrahan ang oras na ibigay natin upang ibukas  ang ating isip sa tinig ng Dios at  mga kaisipan na makalangit. Mas mabuti kung maglaan  ng panahon na iwan sandali ang mga kaabalahan sa mundo at magbulay-bulay ng tungkol sa ating sarili at relasyon sa Dios. Ito ang iniutos ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Pumunta tayo ng bukod sa isang dakong ilang at magpahinga kayo ng sandali.”  (Markos 6:31) 

Ang oras na ginugugol sa ganitong gawain ay  hindi pag-aaksaya ng panahon. Hindi sasabihin ng isang mangingisda na nag-aaksaya siya ng oras kung tinatahi niya ang mga butas ng kanyang lambat. Hindi iisipin ng  isang hardinero na siya’y nagiging tamad sa  paghahasa ng kanyang pala at panggupit ng damo.

Malakas at nakakahalina ang tawag ng sanlibutan. Subalit may kakaibang saya at sigla ang maidudulot ng sumandaling pagtigil sa nakakahilong hakbang ng abalang-buhay  upang mag-bigay ng  panahon  sa kalagayan ng kaluluwa. Ang paglalakad sa tabi ng dagat, ang pagmamasid sa mga bulaklak sa parang ay magbibigay ng sigla at kapahingahan – at ang puso ay titibok ng panibagong kagalakan at pag-asa.

Sa nalalapit na araw ng Pasko, ang mga tao ay lubhang abala sa lahat ng panlabas na preparasyon.  May kakaibang sigla at kasiyahan sa kapaligiran, subalit mababaw at panandalian. Ang mas maganda sanang  gawin ay alalahanin ang pagsilang ni Hesus at pagbulay-bulayan  ang  Kanyang ng Kagandahan at pag-ibig sa mga  taong hindi kaibig-ibig.

 

Mula sa Streams in the Dessert in L.B. Cowman

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top