Maging Mapagpayapa Tayo

0


Mabuting sikapin natin na magkaroon ng kapayaan sa ating puso at isip upang tayo ay maging tagapagpayapa sa iba. Mas maraming nagagawang kabutihan ang taong mapagpayapa kumpara sa isang matalinong tao. Nagbibigay siya ng kasiyahan sa paligid. Kahit ang mga bagay na hindi kaaya-aya ay gumaganda kapag nakakausap ang isang taong mapagpayapa.

Ngunit ang taong walang kasiyahan ay hindi mapalagay at maraming maling haka sa puso. Hindi siya matahimik at hindi rin niya pinatatahimik ang iba dahil sa marami niyang puna at reklamo. Madali siyang magsabi ng mga bagay na hindi dapat sabihin, katulad ng masasakit na salita, mga matalas na pagpuna at salitang nakakapanghina ng kalooban. Ngunit mahirap naman para sa kanya na bigkasin ang mga bagay na maganda katulad ng pagpapasalamat, pagpuri at paghimok sa iba. Palagi niyang nakikita ang kakulangan ng iba ngunit ang napapabayaan niyang trabaho ay hindi niya napapansin. Itinataas niya ang kanyang sarili sa kanyang gawa. Madali niyang bigyan ng magandang dahilan ang kanyang mga kamalian, subalit mahirap para sa kanya na tanggapin ang dahilan ng iba. Ito ay likas sa tao, maliban na magkaroon ng biyaya ng Dios.

Ang nararapat ay mas maging mahigpit tayo sa pagpuna sa sarili kaysa sa ibang tao. At kung nais natin na pagpasensyahan tayo ng ating kapatid, dapat ay maging mapagpasensya din tayo.

Ang taong may mabuting kalooban at may mapagpakumbabang puso ay masarap kasama. Isang kagalakan na magkaroon tayo ng kapayapaan at pagkakaisa sa puso at diwa. Kaya’t isang pagsubok na mabuhay na kasama ang mga taong mahirap pakisamahan, masama ang pag-iisip at laging sumasalungat sa atin. Subalit sa mga taong nagsisikap na mabuhay ng may kapayapaan at nagiging mapagpayapa, ang biyaya ng Dios ay nagliliwanag sa kanila.

Bilang mga binago ni Kristo, masabi sana sa atin na tayo ay may mapagpayapang puso.

Hango sa pinaikling aklat na The Imitation of Christ ni Thomas ‘A Kempis. Barbour Publishinng

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top