Magandang Wakas
0“Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa pasimula nito.” (Ecc 7:8)
May mga pangyayari na ang wakas ay mapait kaysa sa simula. Subalit kalimitan, ito ay mas mabuti, Sa Kawikaan 22:21 ay mababasa natin na ang umaapi, sa simula ay nagmamataas, subalit sa bandang huli ay ibababa ng Panginoon. Ang mga pagsubok ng mga Kristiano sa umpisa ay nagbibigay ng pighati, subalit ito ay may magandang bunga sa katapusan.
Kaya nga, hindi dapat manglumo, anuman ang nararanasan sa kasalukuyan. Hindi dapat tingnan ng may kapighatian ang mga problema sa ngayon. Kundi dapat ay ilapat sa “Kalooban ng pagmamahal ng Dios.” Ang sinasabi ni Charnock ay ganito: “Ang Dios ay hindi kumikilos ayon lamang sa kanyang hindi nababagong kalooban, kundi ayon din sa Kanyang hindi nababagong karunungan, at hindi nababagong batas ng kanyang kabutihan.”
Marami nang karanasan ang mga Kristiano na nagpapakita ng ganitong pangyayari. Bawat isa ay makapagsasabi na dumadaloy ang saganang habag ng Dios mula sa mga pagsubok, hanggang malampasan ito.
Maaring pumapasok tayo sa maitim ng ulap upang sa kahulihan ay sumigla ang ating kaluluwa. Hindi ipahihintulot ng Dios na namamahala sa lupa ng may karunungan at habag na magdala tayo ng mabibigat na pasanin, lalo pa yaong matatapat sa Kanya. Ang layon ng Dios sa mga kabigatan sa buhay ay upang matuto tayo na magamit ang ating karunungan (na mula sa Banal na Ispiritu), masubok ang ating pasensya, at sa kahulihan ay magkaroon korona at makapasok sa pintuan ng kalualhatian.
Ito ang himutok ni Abraham “Ang lahat ng bagay ay laban sa akin.” Subalit nabuhay pa siya ng matagal at nasilayan ang pagsikat ng araw sa madilim na ulap. Kanyang nakita kung paanong nag masama ay naging para sa mabuti.
Pinagpala ng Dios ang mga huling araw ni Job ng higit pa sa simula. At dito makikita natin na ang Dios ay maawain, anong ginhawa ang dulot ng Kanyang awa.”…Narinig ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang layunin ng Panginoon, kung paanong ang Panginoon ay puno ng habag at awa.” (Job 1:42:12; Santiago 5:11).
Mula sa Komentaryo sa aklat ng Ecclesiates ni Charles Bridges. First Published in 1860. Britain: Banner of Truth Trust.