Lakbayin ang Ating Mithiin Para sa Panginoon

0

“Tumanaw ka sa palibot mo. Ang lahat ng lupaing natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo, sa iyong anak at sa magiging anak niya, walang makakaagaw niyan sa iyo.” Genesis 13:14-15

Walang pagnanais ang ilalagay ng Banal na Ispiritu sa ating mga puso kung hindi Niya ito kayang tuparin. Kaya hayaan natin na lumipad ng mataas ang ating pananampalataya at masdan ang maaari nating angkining lupain na ibibigay sa atin ng Dios.

Anumang bagay na ating nauunawaan sa pamamagitan ng “mata ng pananampalataya” ay para sa atin. Ilayo natin ang ating paningin, dahil lahat ng ating natatanaw ay atin. Ang ating minimithi bilang Kristiano at lahat ng ating nais para sa kaharian ng Dios ay may posibilidad ng katuparan ayon sa ating pananampalataya.

Kaya’t mas ilapit natin ang ating sarili sa Dios. Sa gabay ng Kanyang Salita at pusong bukas na tanggapin ang pagkilos ng Banal na Ispiritu, kilalanin natin ang pagsama sa atin ng Dios. Sa pagbubukas Niya ng ating pang-unawa, makikita natin ang ating kasapatan sa Dios. Tanggapin natin ang Kanyang mga pangako bilang matapat na tagasunod ni Kristo. Ang lahat ng lupain na ating nakikita ay ibibigay ng Dios sa atin, ayon sa ating pananampalataya.

Subalit ang biyaya ng Dios na tumutulong upang makamtan natin ang katuparan ng mga pangako ng Dios ay nakatali sa pusong may tinatanaw na maganda para sa kaharian ng Dios. Maraming ibon ang lumilipad sa malayong kontinente upang umiwas sa malamig na panahon. At sa mahaba nilang paglalakbay, nakakasumpong sila ng mainam at ligtas na lugar. Ito ang  disenyo  ng Dios sa kanila.

Gayon din naman, bilang mga Kristiano, lakbayin din natin ang ating mithiin para sa Panginoon. Siya na nagbibigay sa atin ng pag-asa ay hindi bibigo sa atin kung tayo ay masikap na magpapatuloy.

 

Mula sa Streams in the Desert ni L.B. Cowman

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top