Kabanalan: Buhay na Gaya ni Kristo

0

Sa paglakad lamang sa kagandahan ng Kautusan ng Dios makakasigurado na tayo nga ay inaring-anak ng Dios. Ngunit tayo ay kapos at mahina, kaya’t kailangan ng mga prinsipyong magsisilbing gabay sa buhay. Ang batas ng Dios ay naglalaman ng pamantayan ng buhay-Kristiano upang tayo’y mabuhay na gaya ni Kristo. Nasa Kasulatan ang maraming paghimok at pag-tuturo upang magtagumpay sa iba’t-ibang hamon ng buhay-Kristiano.

Dalawa ang nais ng Kasulatan sa mga Kristiano. Una ay ang tayo ay maturuan ng pag-ibig at katuwiran, sapagkat hindi ito likas sa atin.  Ikalawa ay ang ituro sa bawat Kristiano ang simpleng batas na huwag manghihina sa takbuhan ng buhay.

Sa katuruan ng Biblia, ang pinakamahalaga ay ang turo ng kabanalan. Dapat nating tandaan na kabanalan ang siyang nag-ugnay sa atin kay Kristo. Ang kabanalan sa puso ay ibinigay sa atin ni Kristo ng walang bayad upang tayo ay makalapit at makasunod sa Kanya.

Ang Dios na makapangyarihan at banal ay hindi maaring makisama sa marumi at makasalanang tao. Tayo ay pinalaya na ng Dios sa karumihan ng mundo. Bakit pa natin gugustuhin na bumalik sa makasalanang sanlibutan?

Ang kabanalan ng Dios ay nagpapaunawa sa atin na ang permanente nating tahanan ay ang banal na lunsod ng Jerusalem. Ito ay banal na lugar at hindi kailanman madudungisan ng makasalanan. Magpakabanal tayo kung nais nating manirahan doon.

Ang may malinis na puso lamang ang maaaring manirahan sa Tabernakulo ng Panginoon.  Hinihimok tayo na panatilihin nating sakdal at malinis ang ating mga puso.

 

Isinalin sa Tagalog, mula sa Golden Booklet of the True Christian Life. John Calvin. 1951. 2nd Printing. Baker Bookhouse.

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top