Ang Sukatan ng Galit ng Dios

0

Ang Dios ay Banal. Hindi siya makakatingin kahit sa pinakamaliit na kasalanan. Galit Siya sa makasalanan bawat araw.  “Ang Dios ay matuwid na hukom, Oo, Dios na may galit araw-araw”. (Mga Awit 7:11). Ngunit paanong tayo ay nakakalapit sa Kanya at itinuturing na mga anak ng Dios, gayong tayo ay likas na makasalanan?

Si Kristo ang nagbayad ng kasalanan ng Kanyang bayan doon sa Krus ng kalbaryo. Dahil sa Kanyang kamatayan, lubos na napawi ang galit ng Dios sa kasalanan. Ang isang taong nanampalataya kay Kristo, bagamat talamak ang kasamaan, ay papatawarin at tatanggapin ng Dios at hindi masisira ang Kanyang kabanalan. Sapagkat ang kamatayan ni Kristo sa krus ay sapat upang linisin ang kahit na pinakamalaking kasalanan ng tao. Sinasabi sa I Juan 1:7, “…at nilinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.”;At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay…” (Mga Gawa 13:39).

Kahit ang lahat ng tao ay magdusa sa impiyerno, hindi pa rin ito sapat upang ipaunawa sa tao ang galit ng Dios sa kasalanan. Ang pagbibigay ni Kristo ng Kanyang buhay upang bayaran ang kasalanan ang matibay na patotoo ng malaking pagkamuhi ng Dios sa kasalanan. Ibinuhos ng Dios ang Kanyang galit sa kasalanan sa Kanyang bugtong na anak.

Ang pagkamatay ni Kristo upang bayaran ang ating mga kasalanan ay magsilbi nawang motibasyon upang tayo ay mamuhi sa kasalanan.

Hango sa Sermon ni Jonathan Edwards na “Pardon for the Greatest of Sinners”.

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top